The Death of Idealism one man - alone, lonely and angry - against the world
warning: musings of a dangerous mind, never attempt to read further if you are secured with what you believe, with your feelings, with yourself. Reading this blogspot may change your life, your outlook in life, your beliefs. ">

Contact Me
 


|
Monday, February 28, 2005
transferring...

sa lahat ng dumaan, bumisita, nakigulo, nagbasa, nagbloghop, naiyak, naaliw, nagsubaybay...
salamat sa inyong lahat...
heto na po ang link ng bago kong blog... kilometro zero
apokalips was very bored at exactly 05:50 pm
Wednesday, January 05, 2005
still anonymous

Let's admit it. Blogging is just some form of ego-massage. It is just an excuse for us to trash away our thoughts, writing and uploading me-I-centric musings (and sometimes, senseless crap) in the net for the sake of having and setting up a blog. In short, nakikiuso .
We write in our blogs just to express ourselves, we always say. Well, i have nothing against to those who love to chronicle their lives, and letting their lives become an open book. It came to a point that we can predict what the blogger will wear in the next 3 days. Absurd, isn't it?
I have nothing against to those who love to write about themselves as if they are the only fabulous people around.
To tell you honestly, it seems pointless, and downright boring reading about other's lives. You always hear them rant about everything, how they hate their dog, how they love their neighbor, how they giggle when they see their secret crush. Because i was once like that. A blogger who just want to express myself. Believe me, been there, done that. And now, the last thing I want to do nowadays is to read someone's angst about forgetting that you should apply shampoo first before the condistioner.
But as Karl Marx once said, the point is to change it. So, how can we move forward from petty things like writting about our mundane existence into something more sophisticated?
In my opinion, the blogger must transform him/herself from just an ordinary blogger to a responsible blogger who wants to change the system. Change the world, Eric Clapton sang in one of his memorable song.
Trust me, I am no idealist. I always believe that idealism is an extinct word.
But I believe that we, bloggers, have a manifest destiny to fulfill. We must create a space in the net where debate and social analysis are our conerstones, our own ideologies as our bibles, and our blogs as arenas where we devour, heal, create, demistify, destroy, and recreate ideas. Only through healthy exchange of ideas can we move forward as a nation.
Thus, in the spirit of leading by example, I will abandon this blog and set up another blog that wll be in line with my view of what a blog should be - a space for coffee intellectuals to debate, articulate, ponder and write about love, life, philosophy, literature, politics and everything in between. A site where nothing is sacred. Not even the Indian sacred cows. Because everything under the sun is subject to scrutiny, debate and analysis.
Because I dont want to be a voiceless blogger drowned by a million voices wanting to express themselves. I want to be a part of that tiny voice that soon will be a warcry, trumpeting forward towards the very center of the earth, knocking at the very doors of the status quo, of the oppressive system. Someday, we will topple them down. And now is the right time to start.
So to all who have been regular visitors of this blog, and passerbys and bloghoppers, thank you so much. AND please, if you are still interested, watch out for the opening of my new, experimental blog tentatively named as KILOMETRO ZERO.
apokalips was very bored at exactly 02:42 am
Wednesday, October 27, 2004
Atin Ang Gabi

Binasag ng iyong hagulgol ang katahimikan ng gabi. Halos di na huminto ang iyong pagtangis.
"Tahan na Karina, tahan. Lalake lang yon," sabi ko. "Heto yosi. I-yosi mo na lang ang lahat." Kinuha mo ang inabot kong sigarilyo at dali-daliang sinindihan at sabay linapat sa iyong mga labi. Hithit-buga.
Hithit-buga. Habang dali-daliang hinihithit mo ang nakamamatay na nikotin, binubuga mo ang mga alaalang dali-daliang sinusunog ng yosi. Nakakatawa, para tayong mga sigarilyo na ating hinihithit-buga, dali-daliang nauupos. "Heto na naman tayo," dagdag ko, "sa ating mga ritwal ng paglilimot. Kelan kaya ito mahihinto?"
"Hangga't may mga alaala tsong, mayroon tayong dahilan para lumimot," sabi mo. Oo nga naman, hangga't buhay pa sa isipan ang mga alaala, hangga't kumakapit na parang tuko ito sa ating kamalayan, wala tayong kawala sa mga multo ng nakaraan.
Astig ka sana Karina. May rason ka sa lahat ng bagay. Yun nga lang, ang boba mo sa pag-ibig. Mahilig ka kasi magpakamartyr.
*****************
Habang nasa rooftop tayo ng Vinzon's, pinapatay ang mga oras na minsa'y ginusto nating magpatuloy magpakailanman, tumingala ako sa makulimlim na langit. Maulap. Walang bituin. Madilim. Walang kumikislap na diamante sa kalawakan. Signos ba ito? Pangitain ng ating walang katapusang kasawian?
At habang yinayakap tayo ng walang bituing gabi, habang nagkwekwento ka tungkol sa kanya (kung paano ka ipinagpalit sa iba), sinindihan mo ang mga nalalabing Marlboro Lights. Bigla akong naawa sa iyo. Ikaw na walang takot na ginugupo at sinasangkot ang sarili sa mga isyung bumabalag sa ating bansa, ikaw na walang inaatrasang kalaban, ikaw na lagging galit sa mundo ay ngayo'y lumuluha sa aking harapan, duguan ang puso.
Tulad ko, isang trahedya pala ang iyong buhay Karina. Nakakulong sa salimuot at saligutgot ng iyong tadhana. Nasusugatan. Nadadapa. Ngunit, kahit papaano'y natututong bumangon at tatapakan ang lahat.
Paunti-unting pumatak ang iyong mga luha sa malamig na yero – mga luhang matagal mo ng pinipigilan, mga luhang naipon sa karagatan ng iyong mga mata.
Kahit ano pa man, tandaan mo Karina para sa mga sawi ang gabi. At sa pagkakataong ito, dala ng ating di mawala-walang pighati, dala ng madaling maupos na katinuan, dala ng kadilimang bumabalot sa ating nangangatog na katawan, lagi mong tandaan Karina, atin ang gabi. Atin ang gabi, Karina.
*****************
Kahit ika'y unti-unting linalamon ng iyong kalungkutan, wag kang mag-alala, tayo pa ri'y magkasama. Hanggang may naapi, hanggang may makakapal ang mukhang umaapi sa mga mahihina, hanggang may oppresyon sa lipunan, tayo'y magkabatak at magkasama. At haharapin natin sila ng mga panulat na pinatulis na parang bala. Babangain natin sila ng walang takot, ng walang alinlangan dahil tayo'y may pusong nag-iisip at utak na nagmamahal.
################# published at peyups.com Sunday, October 24, 2004 @ 04:00:37 PM
apokalips was very bored at exactly 01:46 am
Thursday, September 23, 2004
kung bakit nawala ako.....

maraming dahilan kung bakit nawala ako sa sirkulasyon...
bigla kasing nagbago ang ihip ng hangin. sabi nga di ba, weder weder lang yan. t*ngna. bad treep naman kasi eh. ayoko na magsulat dito kasi feeling ko self-glorification lang ang ginagawa ko dito. Siansayang ko lang ang aking oras sa pagsusulat sa aking buhay, eh kunti lang ang nakakabasa nito? At pakialam ba ng nakakabasa kung i had a wonderful morning or heartbreaking afternoon? Di ba napaka-absurdo, di ba? Sabi ko nga eh, individualistic writing is just plain masturbation. Sarili mo lang ang pinapaligaya mo eh. Pasensya na kung harsh, pero natatawa talaga ako sa set-up na ganito.
maraming dahilan, at isa na yung nawalan na ako ng ganang magsulat.
apokalips was very bored at exactly 04:58 am
Saturday, September 11, 2004
Grim and Determined (o Hali na’t Magalit sa Mundo)

Hindi ako galit dahil orgasmic ang pagkagalit.
-joms-
Ito lagi ang reklamo sa akin ng aking mga kaibigan. Laging grim-and-determined daw ako. Laging agit sa mundo. Kulang na lang daw patayin ko ang lahat ng tao para mawalan na ako ng rason para mag-angas.
Bakit ba? Di naman kasalanan ang pagiging agit di ba?
Pero bago niyo akong i-dispose na parang basura kasi “I’m just some no-good punk, just one of those run-of-the-mill angry writers who have nothing to do with their goddamned forsakened lives but to write angry poems and angrier articles, may their souls burn in hell” at bago kayong tuluyang huminto sa pagbabasa, magpapaliwanag lang muna ako.
Ang bukal ng aking pagka-agit ay hindi dahil bad trip ako kasi mabaho ang katabi ko o di kaya, kasi nauna kong linagay ang conditioner kaysa sa shampoo. Hindi mababaw ang ugat ng aking pagkabagot. Hindi ako mala-Jessica Zafra na puro “existential angsts and gen-x rants.” Kung tutuusin napakaburgis ni Jessica Zafra. Pero minsan, kapag nakahigop ng mainit na sabaw, nagtatangka siyang maging socially relevant.
Samakatuwid, di ako puro bourgeoisie shit at angst. Kasi malalim ang inuugatan ng aking angas. Dahil hindi ako isang intrumento sa pagapapalawig ng status quo sa ating kamalayan. Dahil marunong akong bumangga, at kaya kong yurakin ang lumalaganap na status quo.
Tanong lang bago ako magpatuloy. Hindi ba kayo nagagalit na lagi na lang tumataas ang presyo ng langis? O di kaya (kasi baka wala kayong kotse), tumataas na ang presyo sa palengke’t pamilihan ngunit di pa rin tumataas ang inyong sweldo? Sige, ilapit pa natin sa “home front” para makarelate ang lahat, di ba kayo agit na ang minsang nagkakasyang budget sa isang buwan ay umaabot na lang ng dalawang lingo? Maraming pwedeng maging bukal ng aking/ating pagka-grim-and-determined. Endless and infinite, ikanga.
Kaya sa aking “other life,” bilang isang student journalist kuno, gusto kong ipamalas na dapat tayong lahat magalit, hindi dahil nahuhuli tayo sa fashion, hindi dahil di tayo nakapunta sa “must-event-slash-party-of-the-year,” hindi dahil di mo gusto ang regalo ng iyong gf/bf/fb/asawa. Kundi, tayo’y magalit sa mga samu’t saring nangyayari sa ating lipunan.
Hindi ba kayo naaasar kung bakit marami pa rin ang mahihirap, marami pa rin ang inaalipusta sa lipunan. Kung bakit wala pa ring tunay na agrarian land reform (na syang isa sa mga dahilan kung bakit lugmok tayo sa kahirapan). Kung bakit kahit na binabayaran naman natin ang utang panlabas ay lumulobo pa rin ito. Kung bakit laging nasasanay ang gobyerno na umutang sa labas para pantapal sa budget deficit. Kung bakit may opresyon pa rin sa ating lipunan, bakit bumabagsak ang halaga ng piso. Kung bakit laganap at talamak ang kuropsyon sa ating gobyerno. Kung bakit walang tunay na repormang panlipunan at walang “social justice,” bakit kasing kupad ni Kuya Ceasar ang ating justice system. Kung bakit tuta pa rin tayo ng kano. Batid kong magising kayo sa tunay na American Dream at (ang nakakayamot na) Philippine Nightmare.
Galit ako kasi may nakagagalit. So you see, my angst sprung from many springs.
Matanong naman kita. Di ka ba galit sa mga nangyayari sa paligid mo? Bulag ka ba? Manhid? Bakit pasibo ka sa mga isyung bumabalag sa ating lipunan? Tulad ko, dapat ikaw ri’y magalit dahil di na natin kaya ang kabulastugang nangyayari sa ating bansa.
At para di masayang, dapat itranslate natin ang ating angas into constructive form. Sa isang porma na pwedeng magcontribute sa pagunlad ng ating bansa, socially, economically, politically. Gaya ko, sa pagsusulat ko dinadaan. Kaya itong angas/galit ang nagsisilbing hangin/pagkain/gasolina sa aking pagsusulat. At ang aking tinta/talino/lakas/akda ay alay sa mga mahihina, sa mga naghihirap (na tumitirik na ang mata dahil sa kawalan), sa mga walang kalaban-laban sa malalakas na pwersa, sa mga nawalan ng boses. Ako ang magsisilbing liwanag sa haplit ng kadiliman. Isang kandila sa gabing puno ng tunggali, digma, poot, salimuot at walang-katiyakan.
Dahil batid kong magkaroon ng tunay at wagas na pagbabago. Kaya hali na’t magalit sa mundo.
At bago ko pa makaligtaan, ‘tangnang pagibig ‘yan.
############
Matagal nang patay ang ideyalismo sa aking katawan. At wala akong delusyon/ilusyon na kaya kong mag-isang baguhin ang lipunan ginagalawan ko. Ito dapat ay isang conscious and concerted mass effort. Kaya samahan niyo ako, hali na’t magalit sa mundo.
Sensya na, agit lang talaga ako.
apokalips was very bored at exactly 01:18 pm
Sunday, August 08, 2004
habang bangag at walang magawa

kakatapos lang ng inuman namin sa boarding house...
panget nga ng tama ko eh..di ko alam kung bakit. kunbg bakit ganito, bakit ganyan.
haha, buti na lang di ako nagsenti noong inuman namin. nakakahiya. lagi na lang kasi ako nagsesenti eh. buti na yung nakokontrol ko pagsesenti ko. minsan nagagalit na rin ako sa sarili ko kasi lagi na lang ako ng senti ng senti kahit walang dahilan, kahit wala sa lugar.
bad trip no? bakit ba ako nagsesenti sa mga bagay na matagal ko ng kinalimutan? bakit ba tayo ganoon? kung kelan nawawala, doon pa natin nami-miss?
eh tanga ka pala, sabi ko sa sarili. kaya nami-miss yung tao kasi di na kayo nagkikita.
hay, bago pa mabagok ang ulo ko sa kakaumpog sa pader, sibat na ako.. baka magsenti ako ng wala sa lugar.
Ps. sensya na sa inyo ha? minsan na lang ako makapagblog kasi sobrang busy ako sa pag-iisip ng mga bagay -bagay.. sana matapos na itong ginawa kong kalbaryo..
wish ko lang...saan si bernadette sembrano kung kelangan mo siya? ay, matagal na palang wala si bernadette sa wish ko lang.. damn.
apokalips was very bored at exactly 04:58 am
Sunday, July 25, 2004
nagmumuni-muni

nagmumuni muni..
napapaisip..
naglalaro ang isipan sa kawalan.
nababagot..
nayayamot..
lumalayo sa walang katiyakan...
apokalips was very bored at exactly 08:28 pm
Friday, July 16, 2004
yehey!

columnist na daw ako sa peyups.com, sabi ni ate mimi!!
mamaya na ang details.. dami pa akong ginagawa eh.. at naglalaro pa ako ng starcraft/warcraft!!
coffee and chaos <--- eto na yung column ko..;)
apokalips was very bored at exactly 06:09 am
Saturday, July 10, 2004
Hero for the Day, Hero for Eternity

Sabi ni *bleep*, di na daw niya ako kilala...
hindi lang dahil hindi na kami madalas na nagkikita kita (at naguusap), hindi lang dahil di kami nagtetext sa isa't isa, hindi lang dahil "weird" na daw ang aking pananaw sa mundo, kundi dahil malaki na ang pinagbago ko. Hindi na daw ako ang taong dati niyang kilala.
Para akong binagsakan ng isang meteor galing sa kalangitan. Sumabog sa aking harapan. At sa unang salpak ng kidlat, ang aking sentiments of virtue ang unang natinag at bumagsak.
Napahinto ako. Napatitig sa kanyang mata. At napaisip ng malalim.
The seconds seemed to stretched into eternity. Biglang bumagal ang oras. Naka-slow motion. NAG-ISIP ISIP AKO NG MALUPIT.
Oo nga... nagbago na ako. Malaki na ang pinagbago ko. Hindi na ako yung dating masiyahin, yung dating makulit at malakas mang trip at mang asar, yung dating nagpapasaya ng araw ng iba, yung nagbibigay liwanag, yung nagpapaligaya sa ibang tao.
Oo nga. Malaki ang aking pinagbago ko. Naging maangas na walang katuturan. Maangas, na minsan, wala sa lugar. Laging nasa isang sulok, nag-iisa, nagmumuni-muni, nag-iisip, nagsasarili. Nakakulong sa sarili kong paniniwala at pananaw sa mundo. Nakakulong sa sariling mundo. Now, my face is devoid of life, like a spectre waiting to die. My humanity slowly slipping away to madness and obscurity. My mind is transversing into the dark recesses of my self, into the regions of unknown, into uncharted islands of logic, reason and philosophy - digging the past, comprehending the present and imagining the future. But the deeper i dig, the horrible i see; the longer i travel, the worse I encounter.
Oo nga. malaki na ang binago ko. Detached na ako sa reality. Sobrang nalulunod sa sariling pagtanaw sa mundo. Hanggang sa prinoproblema ko na ang metaphysics, quinestion ang religion (at nagtangkang tibagin hanggang sa mapulbos ito), convinced of the folly of mankind. Tinangka kong buhatin ang mundo sa aking balikat. Pero, mukhang nabibigatan ako. Hindi ko na kayang magpa-intellectual. Hindi ko na kayang problemahin ang lahat.
Sabi ni *bleep*, di na daw niya ako kilala. Tama siya. Di na niya ako kilala dahil nagbago na ako. Maski ako, di ko na rin kilala ang aking sarili. At dahil dito, unti unting nagsisink-in ang lahat. Kung bakit para akong isang tupang nawawala, para akong isang loose cannon. Only time well tell whether I will find the light or not.
Natanto ko na the world has so much love and moral depth, na walang dahilan upong lokohin lang natin ang ating mga sarili sa mga walang kabuluhan. Mas mabuti, dahil sa ating pagiging mahina at vulnerable, na tumitig at tumingin kay Kamatayan and magpasalamat araw-araw sa mga magagandang oppurtunites provided by life.
Kaya para kay *bleep*, salamat sa iyo at ako'y sinagip mo sa karagatan ng kawalan. Salamat at sinalba mo ako sa pagkalunod sa sarili kong paniniwala. Salamat at nandoon ka pa rin para tumulong sa akin.
*bleep*, kung binabasa mo man ito: salamat. Utang ko sa iyo ang lahat.
apokalips was very bored at exactly 09:24 pm
Thursday, June 10, 2004
writer's block

pagkatapos ng ilang araw, ilang linggo, ilang nakaraan, ilang kahapon... wala pa ring pumapasok sa isipan ko.
punyemas naman kasi eh. malamang ito na yung sinasabi nilang writer's block. yung panahon na walang kang maisip, walang kang maisulat, wala kang matinong maisulat.
sa panahon ng tagtuyo, sa pagitan ng mga araw na wala akong maisulat, nagmumuni muni ako kung may katuturan ba itong ginagawa kong pagsusulat sa isang blog. kasi parang iniisip ko siya bilang isang pabigat sa isipan, sa oras (at sa pera dahil sa internet). hindi na siya nakakatuwa tulad ng dati. hindi na siya kasing-saya, kasing exhilirating, kasing mapagpalaya. nawala na yung dating kinang niya. di na ako naakit na parang gamu-gamu sa ilaw. ako ngayo'y nalulunod sa aking mga salita.
punyemas naman kasi. bakit naman kasi ako ay nalalasing sa aking mga salita. nabibilanggo sa sariling ivory tower. nakakahon sa sariling pananaw at paninindigan.
kipkip ko ngayon ang galit sa sarili. punyemas naman kasi.
kasalanan ko din kung bakit wala akong maisulat. dahil nagpakalango ako sa sariling kung kabaliwan.
kaya ngayon, bumabangon ako sa matinding hangover. kakagising sa isang umagang puno ng pag-asa at pag-aalsa. dahil hindi madali maging isang manunulat. dahil ito ay isang passion na dapat hindi kinakalimutan at hindi tinatalikuran.
apokalips was very bored at exactly 10:22 pm
|
|
|