The Death of Idealism one man - alone, lonely and angry - against the world
warning: musings of a dangerous mind, never attempt to read further if you are secured with what you believe, with your feelings, with yourself. Reading this blogspot may change your life, your outlook in life, your beliefs. ">

Contact Me
 


|
Thursday, March 25, 2004
Para sa aking mambabasa

Pasensiya na kung mahirap akong intindihin, at kung naiintindihan niyo man ako, pasensiya na kung sinasagasa ko ang sensibilidad ninyo. Hindi naman talaga yaon ang aking layunin ko sa pagset-up ng blog na ito. Ang layunin ng aking pagsusulat ay upang ibahagi sa inyo ang isang kakaibang pagtanaw sa mundo. Upang ipakita na maraming pwedeng gamiting theoretical framework upang interpretahin ang mga bagay-bagay, ang mga iba't ibang nangyayari. Ang world view na ibinabahagi ko ay hindi alipin sa dikta ng lipunan bagkus sumusuway at bumabangga kapag hindi sumasang-ayon; hindi bulag at bingi sa tunay na nangyayari - kaya nga "death of idealism" dahil winasak ko na ang mga "traces of idolatric worship of idealism and perfection" sa aking ideolohiya; hindi sunud-sunuran sa pag-iisip ng iba, sa pakulo ng iba, kundi sumusunod sa sarililamang, nagtitiwala sa sarili na kayang himay-himayin at gumawa ng sariling opinyon tungkol sa lahat ng bagay; hindi takot na ipahayag kung ano man ang nararamdaman, kung ano man ang nasa isip, kung ano man ang gustong sabihin.
Aaminin ko (minsan lang ito, kaya pagbigyan niyo na ako), na ang aking ginagamit na pananaw o world view o theoretical framework ay "marxismo." Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ako bukas sa ibang pananaw, yun nga lang malaki ang impluwensiya ng "marxismo" sa aking pagsusulat at pag-iisip. Bukas ako sa ibang pananaw dahil hindi nakukuntento ang aking imahinasyon sa iisang pananaw lamang. Dahil kung iisang pananaw lang ang ginagamit, ika'y nakukulong sa "imperfections" ng nasabing pananaw.
Alam kong maraming pagkukulang ang pilosopiyang ito, mas lalong mahirap magbigay ng isang "Marxist interpretation" sa lahat ng sosyal at politikal na pangyayari. HIndi ko pa lubus-lubusang gamay ang "marxismo," sa katunayan ako'y isang estudyante ng megatheory na ito, pero alam ko ang limitasyon ng vision ng "marxismo." Pero ganun pa man, ang "marxismo" ay patuloy na nagbibigay sa akin ng isang komprehensibong pagtanaw sa mundo.
Pero ang paggamit ng "marxismo" bilang pangunahing pananaw ay di nangangahulugan na komunista ako o isang sosyalista. Ibang bagay ang marxismo sa komunismo at sosyalismo. Mahaba-habang usapin ito kaya iiwas muna ako at saka ko na lang ipapaliwanag. Kungbaga, iskip tayo at fastforward.
Isa ding malaking impluwensiya sa aking pag-iisip ay ang "postmodernism." Laganap na ang paggamit ng world-view na ito ngunit kunti pa lang ang lubos na nakakaintindi nito. Ipinakilala ni Zygmunt Bauman ang "postmodernity" nang ganito: "the widespread aversion to grand social design (tulad ng kaayusan at pag-unlad), the loss of interest to absolute truths, the privitization of redemptive urges, reconcilliation with the relative - merely heuristic - value of life techniques, acceptance of the irredeemable plurality of the lived." Madalas ay binibigyang halaga nito, tahas man o hindi ang pag-iisip na batay sa indibidwal (Asa, R.C. Public Lives, Perilous Lines).
Mga ibang pilosopiya na bumebenta sa akin ay ang ang Emersonian Individualism at Machiavellianismo. Malaki at hindi masusukat din ang kanilang papel sa paghubog ng aking kaisipan at pagsulat (lalo na si Emerson na hanggang ngayon ay pinipilit ko na gayahin ang istilo ng pagsusulat ngunit lagi akong bigo. Mahirap talaga pantayan ang isang diyos).
Ang pagsusulat ko ay isang paglalakbay patungo sa isang "higher consciousness." Ito'y isang paglalakbay sa lubak-lubak na diskorso. Baon ko ang aking mga mapangahas na salita, rhetorika, ideya at pilosopiya na magsisilbing pagkain, panangga at sandata habang tinatahak ko ang ng walang kapaguran ang distansyang naghihiwalay/naguugnay sa akin at sa aking destinasyon. Dadaanan, tatapakan natin ang mga guho ng mga tinibag na diskurso at istrakturang paniniwala. Hindi isang pasyal ang magaganap na biyahe, dahil mahirap, madugo at hitik sa pakikibaka ang daan; dahil hindi magagandang tanawin ang bubulaga sa akin kundi mga nakakalungkot na reyalidad ng lipunang ginagalawan natin. Isang digma ang aking paglalakbay: habang isa-isa kong inaangat at ipnaglalaban ang mga kababayan natin, isa-isa ko ring tinutupad ang aking mga pangarap. dahil ito ang buhay ko, ito ang rason kung bakit ako nandito sa mundo, ito ang rason kung bakit sumulpot ako na parang singaw dito sa lupa, ito ang rason kung bakit ako nagsusulat.
At sa paglalakbay na ito, ang aking panulat, pinatulis ng karanasan, karahasan at rhetorika, ay isang sandatang pang-sunggab sa kamalayan ng bawat Pilipino. Dahil ang aking pagsusulat ay walang inaatrasan, walang iniiwasan.
nangangamusta,
leo aka "godkiller"
*p.s. salamat sa inyong pagtangkilik, salamat sa pagbabasa ng mga entries ko dito.
kayo ang rason kung bakit din ako nagsusulat.
apokalips was very bored at exactly 12:28 am
Wednesday, March 24, 2004
Love Doesn’t Exist Here Any More*

Mahirap mamaalam kung ika'y nakatali sa nakaraan
#########
Dear *****,
Look, love doesn’t exist any more. Maybe it never did, and we were all conned into believing it, like Santa Claus and fairies. You see, what I mean about love, It’s splashed all over all those women’s magazine, like too much perfume over a good dress. All that slushy, sentimental, corny mush they call romantic fiction – on and on about that great, woolly, woozy feeling called love You think I’m unreasonable? That love is a sophisticated hypnosis, as insidious as advertising? I remember. SURE. Love’s that great ennobling spirit that is going to redeem mankind, halt us from our headlong rush into perdition. Tell me – I’d really like to know – does love feed and clothe the hungry, ragged the millions? Does it eradicate war or inflation, or prejudice or plain STUPIDITY? You tell me you don’t need anything when you’ve got love. Walk around in this starved haze, imbibe fresh air, blow your mind on sweet nothings. And when your teeth drop out, tell me again, that love is all you need. You know something? You can’t breathe or smell or taste or touch love. With all that smog and pollution, I don’t blame you if you can’t see it, or hear it either. Don’t tell me I’m too dense to see these abstractions. Abstractions are the refuge of fools. You can’t explain it simply because there’s nothing to explain: it isn’t there.
Grow up, *****. The world’s a wonderful place to live in. It’s out there waiting for you – and a billion others too. You don’t have to be UN population expert to know that it is every man for himself, and that love’s not freely available. That’s another commodity that subject to the law of supply and demand, and may I caution you that the supply is limited (if the stocks haven’t already run out). You still think that maybe, just maybe, “VENI, VEDI, VECI.” Latin’s a dead language. Love’s like latin, it is a dead language. Oh, you ought to know by now when not to hit your head against a brick wall. Why are you so stubborn? You heard the one about what the world needs now is LOVE? That’s another four- letter word routine that travels the gag-line. Let’s face it, pare, I’m the biggest sucker alive. I wouldn’t believe it all myself. I’ve fallen for all that crap, special delivery from tinseltown. Maybe its because I didn’t have glasses on (but probably its not the glasses because I don’t have one). Go ahead pare, call me a fool. It’s a classical example of conditioning, if ever there was one. Now spew all your favourite theories about Freud, environment, personality, you-name-it. Because, doctor, I’m suffering from all the symptoms, and if you can’t cure me, I guess no one can.
I heard some responsible citizen say that love is a cop-out from the pressures and duties that we all owe to family and country. Personally, I think its another excuse he needs for calling me names. Like “traitor,” for example. Don’t worry. I’m not going to hand you that line about the world well lost for love. Because it isn’t. And getting lost isn’t as easy as it sounds, believe me, If you tried running away and all your relatives living down the road are keeping an eye out for you.
Even that is dignified by the name of love. They are so worried stiff about your breaking your neck in some fall when you are climbing over the fence. And why, pray tell? Because they love you! Didn’t I ever say you couldn’t ever escape from it, even in your wildest dreams, otherwise some knight in clanking armor will fall from his horse at your feet – so you must succumb to love’s sweet charms? Well, that’s the way the ball goes, that’s the way it is. Or didn’t you know?
Who needs love, *****.
Who? Need you ask?
Even if it doesn’t exist any more?
*pasintabi sa original na awtor nito, patawad kung binaboy ko ng lubusan ang liham mo.... hehehe
apokalips was very bored at exactly 01:46 pm
Monday, March 22, 2004
My Past is Fast Catching Up With Me

Sometimes a cigar is just a cigar.
Sigmund Freud
--Attributed to Freud
#########
I never knew that zombies from the past, long dead and decaying in their rotten graveyards, could still wake up from their deep sleep to haunt me, to terrorize me. Zombies that long time ago I fought against with and triumphed over, zombies that long time ago I exorcised and annihilated would still be present to haunt me and scare the sh*t out of me.
Like a zombie torn from the pages of horror novels, she came unexpectedly, out of nowhere, into my life again. I thought that I forgot her completely; I thought that I will never see her again, even her shadow. I thought that when she said goodbye to me four years ago that would be the last time I’ll hear voice. I thought that she will be gone forever, erased from my memory, erased from my system. But her memory has the persistence of time. It always keeps coming back. And for four years, I battled alone the onslaught of your memory. I battled you alone, helpless against your holding and staying power. And when finally I triumphed over your memory, I rejoiced because at last you are finally out of my life. Out of my friggin’ life!!!
But such victory was doomed, destined to be short-lived. You came unexpectedly back into my life, crying and weeping on my shoulders. I knew the reason: HIM. I knew it before you told me, before you cried on my shoulders. I know that it would be him. You told me how he cheated you. In spite of everything, he cheated on you. Not once, not twice, but many times. In spite of everything, you even gave your body and soul to him, he treated you like a pig or worse than that, she treated you like a whore. I remembered every word you said to me that night, even your panting and rapid breathing. I remembered it all.
I asked you what can I do. You replied that there is nothing I can do but listen and listen carefully. I insisted that I must do something or her dignity would never be avenged.
You replied to me, "You are such a nice person and I don't what you to be hurt. I don't want because I love you so much. More than you'll ever know. More than you'll realize."
"There is nothing you can do because I am married to him. There is nothing you can do to me or to my situation."
My whole world came crashing down. It was the end of the world all over again. "Married to him?" I asked him. "Did I hear you right?"
"Yes, I am married."
"Then why me? Why come back into my life again?"
"Because it's only you who can understand me. Because you know how to listen to me, because I know you are the only one who cares for me."
I did listen to her that night when the night was made for the both of us while my heart was crumbling into pieces.
*note: one of my few bestfriend stories.....
apokalips was very bored at exactly 12:26 am
Sunday, March 21, 2004
di talaga ako marunong magalit....

The dream is the small hidden door in the deepest and most intimate sanctum of the soul, which opens into that primeval cosmic night that was soul long before there was a conscious ego and will be soul far beyond what a conscious ego could ever reach.
Carl Gustave Jung
--The Meaning of Psychology for Modern Man
#########
Gusto ko sana magalit ngayon kaso di ko alam kung paano... hanggang sa naupos na ang nagliliyab na pighati.
Ok na ako....... walang tinatanim na galit, walang tinatanim na sama ng loob. Ok na ako.... nag-walk-out lang ako to inhibit myself from saying unnecessary words, baka magsisi pa ako sa huli sa mga bibitawan ko sanang salita (medyo nakainom na ako, pero buti na lang umiral ang aking pagka-cool ng ulo ko, hindi ako naging padalos dalos..
Para sa inyo, dont worry, di ako galit. Huwag kayong mabahala...Umiwas na lang ako, para sa ikabubuti ng lahat. Umiwas ako para magcool down. Pinili ko na lang umiwas dahil ............... mahal ko kayong lahat.. (ang drama!!)
#########
Di ba kayo nagtataka kung bakit walang okra sa "Bahay Kubo"?
apokalips was very bored at exactly 01:19 am
Saturday, March 20, 2004
Lipunan at Rebolusyon: Noon at Ngayon

Tangan ng bawat signos ang ihip ng pagbabago. Rumaragasa, sumasalanta, hinahamak ang lahat upang baguhin ang lipunan sa isang iglap, sa isang pag-usad, sa isang rebolusyon.
Saksi ang kasaysayan sa opresyon ng mga kolonista, ng mga kapitalista, ng mga imperyalista sa mga kaawa-awa at walang kalaban-laban na mga pesante, mga magsasaka, at mga manggagawa. Habang sila’y nagpapakabusog sa kanilang mga ninakaw na yaman, ang mga pesante naman, na walang humpay na nagsasaka ng lupang hindi kanya, ay nahihilo kung saan kukuha ng pera para pakainin ang kanyang pamilyang nagugutom dahil kulang ang kinikita niya sa pagsasaka ng lupa ng mga ganid na may-ari ng lupa.
Gutom, pagod at naghihingalo, ang mga pesanteng ito ay nagbuklod-buklod, nagsama-sama upang labanan ang di makatarungang opresyon at pagsasamantala sa kanila. Dito nabuo ang unang rebolusyon laban sa panginoong may-lupa, sa ganitong paraan nagsimula ang paunti-unting pagtibag sa kolonyalismo, pyudalismo at imperyalismo. At sa pagdaan ng panahon, nag-iba-iba ang mukha ng kalaban, nag-iba-iba ang mga mananakop – Espanyol, Amerikano, Hapon. Ngunit sa pagiiba ng anyo ng kalaban, nagkaroon din ng pagbabago sa mga grupong tumutuligsa sa bawat haplit na sumasalanta: Katipunan laban sa mga Espanyol, Hukbalahap laban sa mga Hapon, at CPP-NPA-NDF laban sa imperyalismo ng Estados Unidos. At sa pagdaloy at pagdanak ng dugo, patuloy pa rin ang sigaw at pag-alsa ng mga magsasaka, ng mga neo-rebolusyonaryo, ng mga rebelde, patuloy pa rin ang paggiging militante at magpapatuloy ito hanggang hindi nakakamit ang tunay na mga reporma sa lupa, hanggang ang mga walang lupa ay hindi binibiyayaan ng mga titulo at lupa, hanggang hindi natitibag ang strakturang pyudalismo sa bansa.
Kung mapapansin natin, lahat ng rebolusyon ay bunga ng pagkakalam ng tiyan ng libu-libong Pilipino, lahat ng pag-aalsa ay dahil sa lupa. Dahil ang mga magsasaka ay alipin sa lupang kani-kanilang sinasaka, alipin din ang mga magsasaka sa panginoong may-lupa, sa mga kapitalistang haciendero. Dahil dito nagkakaroon ng malawakang opresyon, gatungan pa ng mga mananakop na ganid sa pera na nagpapataw ng di makataong buwis, dagdagan pa ng pang-aapi ng mga malulupit na mga kolonyalista: napipilitan si Juan dela Cruz na umangal at magreklamo. Walang magawa ang mga magsasaka kundi mag-alsa hindi dahil hindi na nila kaya ang pagbabayad ng buwis o kulang ang kita nila kundi dahil ang kalupitan ng mga panginoong maylupa at mga kolonyalista ay pagyurak at pagtapak sa kanilang pagkatao. Hindi na makatarungan ang opresyon. Kaya hindi maiiwasan na magkakaroon ng rebolusyon upang ipagtanggol ang mga pangunahing karapatan ng mga mamamayan: kalayaan sa opresyon, kalayaan sa pagka-alipin sa lupa, kalayaan sa kahirapan, kalayaan na kumita ng sapat para mabuhay ang kanya-kanyang pamilya, kalayaan na bumuo ng isang lipunan na malaya sa opresyon, imperyalismo, kolonyalismo at pyudalismo.
Makalipas ang mahigit isang daaang taon, tayo pa rin ay minumulto ng mga problema ng kahapon. Laganap pa rin ang kahirapan, karamihan pa rin ng ating mga kababayan ay di makakain ng tatlong beses sa isang araw; laganap pa rin ang opresyon sa Pilipinas; wala pa ring reporma sa lupa – ang mga magsasaka ay nagsasaka ng lupang hindi kanya. Walang pinagkaiba ang problema noon sa ngayon, ang pinagkaibahan nga lang ay malaya na tayo sa mga Espanyol, nakamit na natin ang ating kalayaan, may sinusunod na tayong saligang batas. Ngunit tayo pa rin ay sunud-sunuran sa Estados Unidos. Kung ang utos ng mga Kano ay “tuwad,” tumutuwad tayo ng walang pag-aalinlangan; “tahol,” tumatahol tayo ng walang humpay.
Kaya hanggang ngayon patuloy pa rin ang rebolusyon sa kanayunan, pinapatuloy pa rin ng CPP-NPA ang diwa ng rebolusyon, pinapatuloy ang laban na nasimulan isang siglo na ang nakakaraan. Dahil hanggang walang ganap na pagbabago sa lipunan, hangga’t alipin pa rin ang mga magsasaka sa lupang kanilang sinasaka, hangga’t patuloy pa rin ang hagupit ng opresyon, hindi mahihinto ang rebulusyon dahil nakatali sa reporma sa lupa ang rebulusyon, dahil nakakadena ang pagbabago sa rebulusyon.
apokalips was very bored at exactly 01:34 am
Friday, March 19, 2004
The History We Created

We make our own history. We record it so we can remember it all, from first sight to first kiss, from first date to first romance.
#########
History, in its broadest sense, is the totality of all past events. To be politically correct, the totality of known past would be the more appropriate definition. And history is written by those who know how to look back, by those who have deeper understanding of the past, by those who have deeper appreciation of the past. And history is made by those who are in power, by those who can chart their own future, by those who can take their fate by the neck and steer it to wherever they roam.
You made history everyday and I diligently wrote it, recording it with sweat and blood. You made our lovestory a history of some sort, and you made me our history's historian. In your eyes, I am only a scribe recording the ways of a goddess and her slave. I admit, I am nothing to your powers, because I am beholden to your beauty and to your "goddessliness". As I see you defile me, mock me, love me, hate me, love me everyday, I am but reduced to a living specter, a mute spectator of our own journey, of our own quest called love.
I love you, I love our history, I love the story that we made, I love the story that I wrote. But what is the use of those thick annals, those numerous volumes gathering dust when the love is gone? When the one who is making history is no longer in the limelight? When the one writing the history is disillusioned and blinded and biased?
Now, I am alone with the history we created, because you left me in the middle of nowhere. Alone with the memories of our past.
Yes, I could rewrite history and tell our story in a different light with a different twist. I could reduce you, just as you reduced me before, into a cockroach loving a proud lion. I could even mock your name, taint your legacy, I could do those and much more. Because I know the history of our love like I know the back of my hand. Because I can still remember and feel the sting of your every word, hurting me even if you are gone, even if you are miles away from me. Because you never bothered to stop and read the history that we both created.
But I can not do that simply because I respect our history; the past is only good for remembering, nothing more. It is not a dwelling place where we live for the rest of our lives neither it is a terminal where we can go back when we feel we want to. No, our history is just a picture of our past, a snapshot caught in film, framed and hanged in a place where everyone can see. Easy to remember, easier to forget.
I could not make myself defile your memory because somewhere within my decrepit heart, because in some place within my beating heart you exist. To deny your existence would be an insult and a mockery to our past. I can not deny that you were once the center of my universe. I love you, God knows how much I love you even if you are gone forever. I love you, but all I can remember now was the feeling and the journey we took. I can't remember your countenance anymore. Your face is now blurred by the words I diligently wrote for the past few years, your body erased hastily by my eraser as I try to catch every word you speak, every action you make. To me, you are now words that fills my memories, printed on papers, bounded and stored in some unknown library gathering dust. Now, you are the history that I chose to forget, because forgetting is easier than remembering.
apokalips was very bored at exactly 05:35 am
Thursday, March 18, 2004
bawal ang senti

While listening to Tracy Chapman's songs, I could not help but remember you.
#########
Syet, nagsesenti na naman ako. Syet, napapasenti ako ng hindi oras, ng wala sa lugar. Kasalanan kasi ni Tracy Chapman ito eh, eto ang epekto ng mga kanta niya sa akin - napipilitan akong alalahanin ang mga bagay-bagay na nagpapaalala sa iyo. Magkasunod ba naman ang "Baby Can I Hold You Tonight" at "Fast Car." Sinong mokong ang di mapapasenti niyan? Kasunod pa ang "Waiting in Vain" ni Annie Lennox. Syet, total tearjerker ang aking playlist, pang heartbroken, pang loser talaga. Sa ganyang klaseng playlist siguro bato lang ang hindi masesenti. O baka manhid, o baka kagaya niya na di marunong makiramdam, di marunong magmahal.
Teka, bawal ang senti, bawal ang senti sa panahon ng finals, bawal magsenti sa hell week. Nawawala kasi ang aking concentration, nahihinto ang aking momentum. Mahirap na, baka mapaiyak ako ng tuluyan dahil babagsak ako sa aking mga exams dahil di ako nag-aaral, dahil ang inaatupag ko lang ay ang pag-iisip ng mga "what-if's" at "what-could-have-been-if-I-said-this-or-that."
Kaya ngayong linggo, pipilitin kong kalimutan ka muna ng panandalian, kahit ilang araw lang. Alam kong mahirap dahil ikaw lang naman ang laman ng aking isipan eh. Pero kakayanin ko na lang ito lalo na kung ang katapat nito ay ang magalit si mama sa akin at tuluyan na akong ipa-ampon sa bombay na mahilig sa five-six. Kakayanin ko kahit mahirap siyang gawin, kahit dumanak ang dugo kakayanin ko, kahit pa tumulo ang mga luha at laway at luga at nana at kung anu-ano pa. Don't worry di mo na makakagat ang iyong dila ngayong linggo, di mo na magiging problema yan.
Di ako si Superman pero kakayanin kong kalimutan ka ngayong linggo para naman matahimik ang naiipit na puso. At para naman pumasa ako sa exams. Parang awa mo na, please?
##########
Kung nagtataka kayo kung ano ang aking playlist ngayon, heto:
1. Tracy Chapman - Baby Can I Hold You Tonight
2. Tracy Chapman - Fast Car
3. Annie Lennox - Waiting in Vain
4. Billie Myers(?) - Kiss the Rain
5. CandleBox - Far Behind
6. Hootie and the Blowfish - Let Her Cry
7. Tattoed on my Mind
8. Mandy Moore - Cry
9. Cake - Perhaps, Perhaps, Perhaps
10. Paula Cole - I Don't Wanna Wait
11. Counting Crows - Mr. Jones
apokalips was very bored at exactly 01:46 am
Wednesday, March 17, 2004
of missing you

Beware when the great God lets loose a thinker on this planet. Then all things are at risk.
-- Ralph Waldo Emerson--
##########
[miss na kita, promise....]
apokalips was very bored at exactly 07:17 am
Tuesday, March 16, 2004
Jeon Ji Hyun

apokalips was very bored at exactly 11:03 am
Cold War

Di mo na ako kinikibo. Di mo na ako pinapansin. Parang iniiwasan mo ako na
parang may leprosy ako o may SARS. Di mo na ako binabati kapag nagkikita tayo sa
tambayan, di tulad ng dati. Di mo na rin ako linalapitan at kinakausap.
At kapag nag-attempt naman akong kausapin ka, ika'y lumalayo, dumidistansya. O
kung mag-usap man tayo dahil napilitan ka lang, palaging mabilis lang at lagi
mong tinatapos agad. Isang tanong, isang sagot. Yun lagi ang ating drama sa
tambayan. Buti na lang at di nila nahahalata.
Bakit humantong sa ganito ang lahat? Di na tayo tulad ng dati, di na tayo
nag-uusap, nagkukulitan, naglalaro ng baraha, nagtatawanan, nag-eexchange ng mga
sekreto, nagchichismisan, at higit sa lahat nagpapansinan. Bakit? Ano ang
nangyari? Kasalanan ko ba? O ikaw itong lumalayo at umiiwas.
Syempre di ako si Madam Auring na manghuhula sa iyong drama ngayon. Kasi di ako
marunong manghula kung ano ang iyong nararamdaman ngayon. Kasi di ko alam kung
bakit ganyan ang kinikilos mo ngayon. Kung bakit you are giving me a cold
treatment. Ano ba ito, isang cold war? Walang pansinan. Walang imikan, as in
wala lahat.
Lagi kong iniisip kung ano na naman ang aking pagkakamali. Akala ko okey na
tayo, akala ko kinalimutan na natin ang lahat, binaon na natin sa limot ang
nakaraan. Sabi nga nila, maraming namamatay sa maling akala. Sige na, nagkamali
ako ng akala. Di mo pa rin pala nakalimutan ang lahat. At dahil doon namatay
ako, gumuho ang aking mundo dahil sa aking mga maling akala.
Hanggang kelan kaya itong charade natin? Kelan kaya ang season ender ng palabas
natin? Hanggang kelan kaya itong cold war natin? Patigasan ba ito, patagalan,
hinihintay kung sino ang unang bibigay? Hihintayin na lang ba natin ang panahon
na matutunan na nating mabuhay na wala ang isa sa ating sistema? Alam ko na kaya
mong mabuhay na kahit wala kang kasama kasi noon mo pang tanggap na ganyan ka,
na bato ka, na manhid ka. Personally, di ko kaya. Pero kakayanin ko na lang kasi
malamang kelangan ko na rin mag-move on, kailangan ko na rin maghanap ng iba,
kailangan ko na rin matuto na mabuhay na wala ka sa aking tabi.
Sana noon pa, natuto na akong di umasa sa iyo. Sana, di ako umasa sa iyo ng
todo. Pero salamat sa iyo, (at dahil sa aking sobrang pagiging dependent)
devastated ako ngayon, sa kangkungan pinupulot.
Kanina, di mo pa rin ako kinibo. Hudyat na ba ito na tapos na ang ating pagiging
magkaibigan? Na patuloy pa rin ang ating cold war? Sana kaya ko ito. Sana kaya ko na mabuhay na wala ka na sa aking tabi. Sana.
*note: pinublish ko na ito dati dito, re-issue lang siya.. kung gusto niyo, magbasa basa pa ng ibang kasentihan.. hanapin niyo na lang.. hehehe
apokalips was very bored at exactly 10:45 am
|
|
|