The Death of Idealism one man - alone, lonely and angry - against the world
warning: musings of a dangerous mind, never attempt to read further if you are secured with what you believe, with your feelings, with yourself. Reading this blogspot may change your life, your outlook in life, your beliefs. ">

Contact Me
 


|
Friday, April 16, 2004
Saan ka patungo?

Di ko alam.
Di ko alam kung saan ako dadalhin ng dalawa kong paa na walang kapagurangang tinatahak ang daang papalayo sa aking kahapon. Di na ako marunong lumingon sa kahapon. Kahit ang kasalukuyan ay di ko na rin pinapansin. Basta, takbo na lang ako ng takbo, hakbang na lang ng hakbang, papalayo ng papalayo.
Walang direksyon. Pero alam ko sa dulo ng daang tinahak ang liwanag na matagal ng hinahanap-hanap. Matagal na akong nasa dilim. Ilang taon na rin akong nagdudusa sa kadiliman dala ng pighati at kalungkutan. Dahil maraming gustong manahimik na lang ako, makontento sa kadiliman, makontento sa kawalan.
Nakakatawa daw ang mga katulad ko. Palaging pumupuga, palaging nagaalsabalutan. Nawawala daw ako sa aking sarili. Nahihibang. Ganito naman ginagawa nila sa mga taong gustong tumiwalag sa kanilang mga landas. Ganito nila pinapatay ang mga mithiin at pangarap ng mga kabataan. Sinasalungat nila ang mga taong may pangarap. Pinapatahimik nila ang aming mga boses. Kinukulong sa kadiliman.
Pero tama na ang pagkakulong sa kadiliman. Tama na ang pagkukunwari. Tama na ang pananahimik. Kelangan ko nang makalayas sa hawlang ito. Kelangan ko nang mag-impake at mag-alsabalutan.
Pero saan ako patungo? Dito? Doon? Diyan?
Para saan ang paglalakbay na ito? Para sundin ang aking tunay na landas? Para gumuwa ng sariling daan papunta sa kaliwangan? Para makalayas sa kahapon? Paano ang kahapon? Bigla ko na lang bang iiwanan ng basta basta? Bakit ko kailangang talikuran ang lahat? Bakit ko kailangang lumayas? Para sa iyo ba ang ginagawa kong ito?
Daming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan habang patuloy ang aking paglalakbay. Pero wala akong mga sagot sa mga katanungang ito. Dahil takot ako lagyan ng tuldok ang lahat. Dahil baka kung masagot ko na ang mga ito, bigla akong huminto sa kalagitnaan ng aking biyahe. Hihinto at matuksong lumingon sa aking likod. Takot ako baka malaman ko na mali pala ang daan na tinahak ko, takot ako na baka mapangilakan ko na tumatakas ako sa mga maling rason, takot na baka biglang mag-iba ang ihip ng hangin at biglang maisipan na tama na itong paglalakbay na ito, baka maisipan na pagod na pala ako. Takot ako sagutin ang mga tanong dahil takot ako huminto. Sapat na sa akin ang ganito, pumupuga sa kahapon. Sapat na sa akin na makita man lang ang liwanag, kahit isang kislap lang nito. Dahil ito naman talaga ang ating trabaho sa buhay di ba? Ang mabuhay sa ilalim ng liwanag. Dahil walang gustong manirahan sa dilim.
Di ko alam kung hanggang kelan ang paglalakbay na ito. Pero kung makita niyo man ako sa daan, ipaalala niyo na lang sa akin kung ano na ang nangyayari ngayon dahil lagi kong hinahabol ang kinabukasan.
*para kay lumberia, di lahat ng tumatakas sa kahapon ay humihiram ng liwanag sa iba..... merong tumatakas para gumawa ng liwanag para sa iba.
apokalips was very bored at exactly 04:24 am
Thursday, April 15, 2004
bob marley blues

Noong first time ko narinig yang song na yan, nakarelate kaagad ako. Tumagos sa akin. Swak. Ringless. ....I DONT WANT TO WAIT IN VAIN FOR YOUR LOVE...parang ginawa yung song para lang sa akin, ...TEARS IN MY EYES BURN WHILE IM WAITING FOR MY TURN ....
Parang di ko alam kung bakit meron paring mga tao na naghihintay na lang palagi ng kanyang panahon, naghihintay ng tamang pagkakataon. Paano kung hindi dumating ang pagakakataon na yan? Tatanda na lang ba ng walang minamahal? Tatanda na lang at kapag malapit ng malagutan ng hininga magsisisi kung bakit naghintay ng napakatagal yun lang di babalikan? Paano kung di mo namalayan na dumaan na pala siya, paano mo siya hahabulin? Paano mo siya hahabulin kung di mo alam kung sino ang hinahabol mo, kung saan mo siya hahabulin at kung kailan mo siya hahabulin?
Paano kung di ka na dumating at tuparin ang mga pangako na ikay babalik? Bakit na lang ba palagi akong sawi?
Paano kung lahat ng mga tanong na ito'y ay walang tiyak na kasagutan, maghihintay pa rin ba ako? ng ilang oras? Ng ilang taon? Ng ilang dekada?
Mahirap talaga maghintay .....lalo na kung ang hinihintay mo ay may mahal ng iba...I DONT WANT TO WAIT IN VAIN FOR YOUR LOVE..
apokalips was very bored at exactly 01:53 am
Wednesday, April 14, 2004
hurray!!

yehey!! umabot sa 2,000 na ang page views sa aking blog..
meaning meron palang nagbabasa ng aking blog except me.
meaning meron din palang mga taong bored kaya nagbabasa ng aking blog.
meron mga taong napipilitan magbasa ng aking blog,
meron mga taong walang magawa,
meron taong nagblobloghopping kaya napadaan,
meron akong mga ka-wavelength ...
pero most of all,
meron mga taong patuloy na nagsusubaybay at sumusuporta sa blog na ito.
sa inyong lahat, salamat.
sa inyo ko inaalay ang lahat. salamat uli.
shucks, ang drama ko. pasensiya na. touched lang ako.
apokalips was very bored at exactly 02:26 am
Tuesday, April 13, 2004
confessions part 1

when you are rich, you are not crazy, you are just eccentric.
########
Full name: *secret*
Single or taken? taken ....i have a vow with my Maker....kidding aside, im single ang very much available (pero wala ata may gusto sa akin eh....mag-pari na lang kaya ako, para di obvious) Nickname (s): leo, leyox, ley, .....cris (yep you heard me right ang tawag sa akin sa bahay namin is cris!) Hair: black curly hair...when seen from afar, it looks like a nest!
Innie or outtie: kung sa pagsuot ng brief: innie, di ako ever tutulad kay superman na nasa labas ang brief, kahit na may powers pa ako katulad niya! Siblings: two makukulit na brothers and one beautiful sister
What are you wearing right now? t-shirt and shorts and slippers How are you feeling right now? frustrated....im a frustrated writer, frustrated student, frustrated lover....oh well, every dog has its day... Are you alone? no, im with people who are gerally unhappy with their lives...trying their luck in finding true love through the wonders of internet Birthdate: july 25, 198* Sign: leo Righty or lefty: Righty Do you do drugs? wish ko lang! pero do you count ,,,ah wag na lang nakakahiya! Who was the last person that called you: my mother (a year ago)....tinatanong ako kung how is my studies, sagot ko naman: mu-shift na ko sa library and information science! di ko gid hilig mag-engineer! What kind of shampoo? palmolive pink
What are your Favorite sports: basketball, volleyball and practically any sports na kaya ng katawan ko....my only frustration (and my father's) was that di ako nag-martial arts man lang (kasi my father was a 3rd dan black belter in karate)...kaso walang time eh i was very serious with my (ehem) studies, although tinuro niya sa amin ilang kata ng karate, pero i never had formal schooling in that particular discipline... What are you most scared of? nothing, i fear nothing....because i have nothing to lose....long before, i accepted my destiny as a lonely and powerless pawn caught in this eternal struggle between good and evil for supremacy What are you listening to right now? michelle branch; and hootie and the blowfish (and also madonna) What vehicle do you wish to have? simple lang naman gusto ko eh...isang ferrari, lahat ng models ng ford: especially yung explorer and f150, isang aston -martin sedan...isang limousine na kasing haba ng pasensya ko......wait,sinabi ko bang simple lang gusto? What would u change about yourself: nothing. i admit i'm imperfect, yet those imperfections makes me human, makes me unique, comprises who i am (physiologically) thus making me who i am....... Favorite subjects in school?: anything that pertains to political science and philosophy....siguro: soc sci 2 and pol sci 14 (as of this moment) Animals: I'm not such a pet-lover
Been skinny dipping? pero yung naligo ng hubad sa ulan, ok lang ba? Have you ever cried to get out of trouble? di pa naman.... Have you ever been in the opposite sex's bathroom? yep! yep! maraming beses na! pero di ako peeping tom.. fyi...last time siguro noong nag-tambayan clean-up tayo...nandoon kasi sa girls cr yung mop and the walis Have you ever put your tounge on a frozen pole? di pa....hmmm i-try ko kaya? Big Mac or Whopper? whooper, charboiled kasi eh, at nutricious pa! Have you ever eaten a dog biscuit? nope
ON GIRLS FOR GUYS TO FILL OUT (for guys only) 1st person that comes to mind: britney!!!!! About girls: GOD'S GIFT AND CURSE TO MEN Regular underwear or thong: thong, thong, thong! She had dumps like a truck truck truck Thighs like what what what Baby move your butt butt butt She had dumps like a truck truck truck Thighs like what what what Baby move your butt butt Let me see that thong! --thong song, sisqo-- Painted nails or not? not Bra or sports bra or nothing: bra, sensual ang dating sa akin Cute n'mysterious or wild n' sexy: cute n' mysterious....hep hep hep, wait...mayroon bang cute n mysterious na nagtho-thong? Dressy or casual: casual Dark or blonde hair: dark (brunette) Long or short hair: short hair preferably, pero ok rin long hair...depende kung paano niya dalhin Dark or light eyes: dark, tantalizing eyes Long or short nails: long nails Hat or no hat: baseball cap looks cute on girls Good or bad girl: good girl...hep, hep wait may good girl ba na nagtho-thongs? Curvy or stick-like: ano etoh? Hair up or down: hair up, gusto ko nakikita yung back part ng neck.... Jewelry or none: none Tall or short: tall, pero pwede rin short Curly or straight?: long curly hair Pants or dress: dress.... Tan or fair: fair Freckles or none: cute ang freckles, pero mas cute kung wala Pretty indoor chick or party chick: party chick! Accent or Canadian: anu etuh? Have a girl or not: uhmmm...alam nyo na siguro sagot dito Love or Like: love definitely..... ##################
To ~EVERYONE~* Chocolate or white milk? chocolate...remember brown cow? all time favorite chocolate drink ko yan Rootbeer or Dr. Pepper? Rootbeer (A&W) listening or talking? i like talking, pero since communication is a two way process, i should also listen...para at least may feedback.. Vanilla or Chocolate? chocolate!!!!!!!!!!! Skiing or Boarding?: I'd love to do both .. kaso walang snow sa pinas so boarding na lang.... Day or Night?: im a night person....my 'day' starts at five past midnight, doon active ang body ko....it came to a point na 7am na ako natutulog at nagigising 5pm...di na ako nakakapasok ng klase...super-insomniac ako dati (nagpaconsult ako sa isang psychologist/guidance counselor about my problem...his recommendations were to cut off my caffeine intake and try to drink milk...mabuti na lang unti unting bumabalik sa normal ang buhay ko ngayon!) Summer or winter: summer Cake or pie? pie (american pie) Silver or gold? gold Diamond or pearl? diamond
Sunset or Sunrise? sunset...it reminds me of the certainty of death.....that we are living on a borrowed time, that we are, for heaven sake's, humans destined to die
How many remote controls do you have in your house? 1 Have u ever fallen asleep in school? opo, pero as much as possible patago...
have you ever broken/sprained/fractured a bone?? yes....i have a sprained left ankle ngayon....my two elbows were broken noong bata pa ako...ano pa... Are you double jointed? nope What's your favorite color? tangerine/orange and black Do you wear any rings? before... pero ngayon wala na...
DO you hate any one? i hate myself..... Do you have a HUGE crush on someone right now? yes, britney, britney, britney, britney, britney!!!!!
Are you more like cinderella or Alice in Wonderland? cinderella...kasi i must be home by midnight! hahahaha...seriously di ko alam kasi di ko pa nabasa alice in the wonderland ehh...so di ako makapili do u want people to send this back? bahala sila sa buhay nila! Anything u wanna say? announcement! did you know that dapat unicameral ang legislative body naten as voted upon by the 1987 constitutional assembly(meaning ala parliamentary style...wala nang senate and house of congress)..kaso some person who has malicious intent and under the graces of landlords, greedy politicians, in the name of soc rodrigo pleaded before the assembly to reconsider their votes....so nagkaroon ng another votation...at nanalo by one friggin vote ang bicameral assembly kaya may upper and lower house tayo ngayon...and we have several senators and congressmen flexing their powers to corrupt and steal as much as they could in the nation's coffers...
Did you send this to your crush? wish ko lang mabasa to ni britney!!!!!
apokalips was very bored at exactly 11:55 pm
Monday, April 12, 2004
I Begrudged the Years

I begrudged the years when my Lord failed me; in the eye of the storm He let me drown; in the middle of the desert I found no shade; in the midst of work He never granted me rest; in the middle of a war He never provided me shelter.
And all those years, all I did was to complain. Complaining of this and that, complaining that He never lifted a finger to ease my sorry existence. I complained a lot that I failed to see that He was with me all those years helping me to help myself.
apokalips was very bored at exactly 11:06 pm
Wednesday, April 07, 2004
control z*

tinanong sa akin ni cher (a fellow blogger) dati kung may control z ang buhay, ano kaya ang iu-undo ko. sagot ko naman, kunti lang malamang dahil wala naman ako regrets sa buhay ko. pero during the past few days, napag-isip isip ko na marami pala akong dapat i-ctrl z sa buhay ko. dapat pala marami akong balikan at ayusin. balikan at ayusin.
marami akong pagkakamali, i admit. marami akong katangahan na ginawa, nasabi, inisip at kung anu-ano pa. marami akong kabulastugan. marami akong pinaiyak, pinaluha (and of course, maraming beses din akong nasaktan at umaray). in short, after 22 years of existence i accumulated enough mistakes that will guarantee me entry to hell (assuming that there is hell).
but my greatest mistake was you. di ko alam kung bakit ganun, kung bakit ikaw ang aking greatest regret. malamang, ikaw kasi ang dahilan kung bakit miserable ako ngayon, kung bakit nawawala ako ngayon, kung bakit ako nagkaganito, kung bakit galit ako sa mundo. ikaw ang dahilan kung bakit nawawala ako sa aking landas. dapat ang biyahe ko ay from point a to point b, pero salamat sa iyo, napunta ako sa point z.
hanggang ngayon misteryo kung bakit ikaw ang aking greatest mistake. masaya naman tayo di ba? masayang masaya di ba? sabi mo pa nga sa akin, parang magkakakilala na tayo noong after life natin, at parang magkababata tayo ngayon kahit ilang taon pa lang tayong magkakilala. Parang alam ko na ang gagawin mo under any circumstances, parang naging predictable na tayo, parang sobrang alam na natin ang isa't isa na there is no need of pretending, there is no need of hiding in the dark. dahil alam na natin ang bawat istorya ng ating buhay. dahil alam na natin ang mga deepest, darkest secrets ng bawat isa.
pero saan tayo nagkamali? saan tayo nagkamali ng akala? di ko matanto kung ano ang dahilan. kaya heto ako ngayon, miserable, isang despicable na taong-lupa na naghihintay na lang ng panahon na lumipas, isang kaluluwa nabiyak into million pieces, isang naglalakad na zombie-di alam kung saan patungo, di alam kung ano ang gagawin.
pero kahit ganoon pa man, di kita kayang i-undo sa buhay ko dahil malaki ang nagawa mo sa akin, ikaw ang nagpapatatag sa kin, ikaw ang aking sandalan kung binabagyo at tinatangay ako ng aking mga problema, ikaw ang ilaw kung wala akong makita, ikaw ang hangin na bumubuhay sa akin.
di kita kayang i-undo. di kita kayang i-ctrl z sa buhay ko. dahil mahal kita. sobra. mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko
ictrl z ko na lang kaya sarili ko para matapos na ang lahat?
*sa microsoft word, ang control z (ctrl z) ay undo.
apokalips was very bored at exactly 03:32 pm
Monday, April 05, 2004
napansin niyo ba?

na 04/04/04 kahapon?
apokalips was very bored at exactly 02:34 pm
the tide recedes

the tide recedes
but leaves behind bright
seashells on the sand;
the sun goes down
but gentle warmth still
lingers on the land;
the music stops
and yet it echoes on
in sweet refrains.
for every joy that passes something beautiful remains
apokalips was very bored at exactly 01:55 pm
Sunday, April 04, 2004
certainty and uncertainty

uncertainty, i love that word. it makes you feel helpless against the roll of
the dice. it makes you shiver, it crawls into your skin and not just skin deep
but bone deep. it makes you whither like a tree in autumn, it makes you go in
circles thinking how you will overcome this handicap of not knowing the future,
being uncertain of the future..
we live in a very weird world, i guess. the madness will always go on, marching
ahead. marching towards eternity. and where are we as this madness marches
toward oblivion? we are just mere spectators as events unfolds under our sorry
gazes. yes, we are merely spectators of uncertainties unfolding every second.
we are called by many names: children of fortune, lady luck's children, slaves
of the future. such an insult to our intellect, isnt it? our future is hostaged
by some forces we could not even see nor smell nor touch nor feel. nor love.
yes, it is uncertain whether i will be having my last breath or not, whether if
i could ever see the dawn, if i could ever see my children becoming slaves of
the future... no one can tell, but there is something i'm sure of: that i miss
you so much. how i wish you are in my arms tonight. if that moment comes, i
will be very certain, dead-sure that that single moment, that single instant
will be suspended and be stretched into eternity...
*******
back from calatagan. hehe. enjoyed it. loved it.
nakakapagod nga eh. saka na lang mga stories about that outing.
promise i'll write about it. ciao.
apokalips was very bored at exactly 08:41 pm
Friday, April 02, 2004
panggugulantang sa calatagan

hehehe.. sem-ender na namin. sa calatagan ang patungo.
maghanda na ang buong bayan. dahil lulusob ang UP CIEM!!!
ihanda ang salbabida, pati ang volleyball
dahil maglalaro tayo under the sun!!
wahaha, ang corny ko talaga kapag nagfefeeling makata
pero anong magagawa, wag na lang mamomobrelama
dahil calatagan, here we go!!! its time to parteee!!
hehehe. pagpasensyahan niyo na ako. excited lang.
apokalips was very bored at exactly 01:10 pm
|
|
|