the death of idealism






The Death of Idealism
one man
- alone, lonely and angry -
against the world



warning: musings of a dangerous mind, never attempt to read further if you are secured with what you believe, with your feelings, with yourself. Reading this blogspot may change your life, your outlook in life, your beliefs. ">




   

<< April 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30


----------------------------




twenty++ political sonafagun
iskolar ng bayan
on and off tibak
angry poet
frustrated writer
columnist, Eng'g Logscript
Kultura writer, Kule
hardcore ciemer
forever applicant, UP sidlangan
syento kid sa bidyoke
only barrel boy who ordered iced tea
pharaoh master
forever heartbroken
inactive peyups.com poster
have messianic tendencies
----------------------------



[hootie and the blowfish]
[eagle eye cherry][cake]
[dishwalla][candlebox]
[gin blossoms][madonna]
[smashing pumpkins][oasis]
eraserheads][rivermaya]
[tonic][soundgarden]
[counting crows][metallica]
[britney spears]
----------------------------



[emily dickinson]
[john steinbeck]
[f. sionil jose]
[ralph waldo emerson]
[peter kropotkin]
[james joyce]
[gabriel garcia marquez]
[leo tolstoy]
[walt whitman]
[karl marx]

----------------------------


  • Saan ka patungo?
  • control z
  • certainty and uncertainty
  • Hithit-buga: Ritwal ng Paglilimot
  • Masks
  • Para sa aking mga mambabasa
  • Love Doesn’t Exist Here Any More
  • My Past is Fast Catching Up With Me
  • Lipunan at Rebolusyon: Noon at Ngayon
  • The History We Created
  • Cold War
  • Jessica Hagedorn: Eating the Wrong Dogs (Wazzup Dawg?)
  • When loving you is killing me
  • Battleground God
  • The Death of Idealism
  • Down But Not Out
  • Motherly Wisdom
  • Four Years Have Gone By and We are Still at Square One
  • The Rise of the Neo-Machiavellians
  • Standing Up
  • Politics is Life
  • Blankong Papel
  • Halaga
  • The Mistress and I
  • Swimming in UP
  • Comments on Ayn Rand and Objectivism
  • Comments on Ayn Rand and Objectivism II
  • Comments on Ayn Rand and Objectivism III
  • Of Conspiracy and Secrecy
  • Of School and Oppression
  • A Broken Promise by a Broken Man
    ----------------------------


  • bob marley blues
  • confessions part 1
  • Kawit, My Kawit
  • Friendster
  • Post-USC Elections Analysis
  • Kule
    ----------------------------


  • I Begrudged the Years
  • the tide recedes
  • Mahal Kita Noon
  • I Died a Thousand Deaths. Again
  • Apocalypse Descending
  • Bakit?


    Contact Me

    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


    rss feed







    Web Counter

    Blogdrive


  • Sunday, April 04, 2004
    certainty and uncertainty

    uncertainty, i love that word. it makes you feel helpless against the roll of
    the dice. it makes you shiver, it crawls into your skin and not just skin deep
    but bone deep. it makes you whither like a tree in autumn, it makes you go in
    circles thinking how you will overcome this handicap of not knowing the future,
    being uncertain of the future..

    we live in a very weird world, i guess. the madness will always go on, marching
    ahead. marching towards eternity. and where are we as this madness marches
    toward oblivion? we are just mere spectators as events unfolds under our sorry
    gazes. yes, we are merely spectators of uncertainties unfolding every second.
    we are called by many names: children of fortune, lady luck's children, slaves
    of the future. such an insult to our intellect, isnt it? our future is hostaged
    by some forces we could not even see nor smell nor touch nor feel. nor love.

    yes, it is uncertain whether i will be having my last breath or not, whether if
    i could ever see the dawn, if i could ever see my children becoming slaves of
    the future... no one can tell, but there is something i'm sure of: that i miss
    you so much. how i wish you are in my arms tonight. if that moment comes, i
    will be very certain, dead-sure that that single moment, that single instant
    will be suspended and be stretched into eternity...

    *******
    back from calatagan. hehe. enjoyed it. loved it.
    nakakapagod nga eh. saka na lang mga stories about that outing.
    promise i'll write about it. ciao.

    apokalips was very bored at exactly 08:41 pm
    Make a comment

    Friday, April 02, 2004
    panggugulantang sa calatagan

    hehehe.. sem-ender na namin. sa calatagan ang patungo.
    maghanda na ang buong bayan. dahil lulusob ang UP CIEM!!!

    ihanda ang salbabida, pati ang volleyball
    dahil maglalaro tayo under the sun!!

    wahaha, ang corny ko talaga kapag nagfefeeling makata
    pero anong magagawa, wag na lang mamomobrelama
    dahil calatagan, here we go!!! its time to parteee!!

    hehehe. pagpasensyahan niyo na ako. excited lang.


    apokalips was very bored at exactly 01:10 pm
    Comments (2)

    Thursday, April 01, 2004
    happy april fools day.......

    [sana makasama ako sa sem-ender]

    [sana matapos na itong pagsesenti]

    [sana matanggap ko na ang lahat]

    [at sana ........ makalayas na ako dito]

    [dito sa aking ginawang impyerno]









    ngek.  i lied. happy april fools day.

    apokalips was very bored at exactly 11:30 am
    Make a comment

    Wednesday, March 31, 2004
    Hithit-buga: Ritwal ng Paglilimot

    Lest I become a walking zombie, I must free myself from the shackles of your memory.

    Di ako nagsisigarilyo. Dahil takot ako mamatay dahil sa sigarilyo. Kaya wala akong kamuwang muwang kung ano ang reds, lights at menthol. Para sa akin pare-pareho lang sila - mga sugo ni Satanas.

    Pinangako ko sa sarili ko dati na hindi ako magyoyosi. Kahit kailan man. Walang dadaloy na nikotin sa aking mga baga dahil di ko ilalapat ni isang sigarilyo sa aking mga labi.

    Ngunit kagabi, binasag ko ang aking pangako gaya ng pagbasag mo sa iyong mga pangako. Nakalimang sticks ako habang linalagok ko ang ilang bote ng San Mig Light. Sunod-sunod kong naubos ang limang sticks. Wala man lang pag-aalinlangan, walang hesitasyon, basta kuha lang ng kuha ng yosi at biglang sinisindihan ito.

    Napaubo ako ng kunti dahil hindi naman kasi sanay na makalanghap ng usok ng yosi. Pero titiisin ko na lang ito kaysa maala-ala muli kita.

    Hithit-buga. Ito ang drama ko. Hithit-buga habang unti-unti kong ninanamnam ang sakit at poot ng nagdaan, habang dali-daliang hinihithit ang nikotin ng tabako, inaalala ko ang mga alaalang dali-daliang sinusunog ng yosi. Parang naghahabulan sila - ang apoy at ang aking mga alaala - patungo sa akin. Nagmamadali ang aking mga alaala na sumugod at magpaalam bago sila tuluyang mabura ng rumaragasang apoy. At sa isang iglap, sabay-sabay silang nagpasa-masid sa aking harap. Mga alaalang nagpaligaya sa akin, nagpatatag sa akin, nagpalungkot, nagpaiyak at sumugat sa akin. At sa loob ng limang stick ng sigarilyo, dumaan silang lahat at namaalam kasabay sa pagbuga ko ng usok.

    Hithit-buga. Hinihithit ko ang mga alaalang unti-unting inaamag ng kahapon at sabay ibubuga papalayo upang tuluyang makalimutan ka na. Pabigat ka na kasi, nahihirapan na ako. Inaamin ko masaya ako dati sa piling mo pero ngayon di ko na alam. Inaamin ko, ikaw ang nagpapaligaya sa akin pero ngayon di ko na alam. People change, wika nga nila. Nagbago ka, nagbago ako, nagbago ang panaho, nagbago ang ihip ng panahon. Tinangay ng ihip ng pagbabago ang ating nakaraan at tuluyang natapon sa kawalan.

    Nasasakal na ako sa kalagayan ko ngayon. Mahirap naman kasi kalimutan ang isang tao na minsang nagpaligaya sa iyo. Pero wala akong magagawa, una mo akong kinalimutan. Ngunit kahit ganoon pa man, nandito ka pa rin sa aking isipan, tumatambay sa aking alaala.  Ngunit, kailangan na kitang kalimutan para makausad na ako kahit isang pulgada man lamang dahil ikaw ang pabigat na naghihinto sa akin.

    Pero paulit-ulit ko na lang itong ginagawa - itong ritwal ng paglilimot sa iyo. Pra na nga akong sirang-plaka, paulit-ulit na parang nahihibang at naprapraning.

    Kaya kagabi, itinaas ko ang bandila sa huling pagkaktaon at iwinagayway, iprinoklama ang aking kalayaan sa iyo habang hinithit-buga ang sigarilyong madali ng maupos.


    apokalips was very bored at exactly 12:48 pm
    Comments (2)

    Tuesday, March 30, 2004
    visiting kule

    pagkatapos ng aking final exam sa kas 1, napagpasyahan ko na pumunta sa kule office [kule: Philippine Collegian, the official student publication of UP]. medyo matagal tagal na rin na hindi ako bumibisita doon.  baka namimiss na ako nila. sana.

    eh bakit naman nila ako mamimiss eh baguhan pa lang ako doon?  kunti pa lang ang kilala ko doon, sa katunayan mga taga-Kultura section pa lang ang kilala ko at iba pa (kilala ko na si kenikenken at si warren del mundo, bleh!)

    hinanap ko ang logbook at nagbasa basa ng kunti. just what i have been expecting: namimiss na ako ng aking mga ka-kultura section. hahaha, buti naman. lalo na si fuj na siya ngayong bagong editor in chief ng kule for next sem.  si jee, nangiimbita na pumunta daw kami ng boracay. hay, sana lang. wish ko lang makasama ako. sana may pera ako at sana lang. sarap pa naman magboracay kapag summer.  maraming magagandang "tanawin."

    pagkatapos kung magbasa, nagsulat ako sa logbook. hey all, miss ko na kayong lahat. sori kung di ako nakapagpresswork kasi may problema sa bahay (bola). hehe. guys, kung meron mang gimik, itext niyo na lang ako sa number na ito.  hay atat na atat na ako magsulat sa summer edition ng kule. Leo, fresh meat.

    pagkatapos kung magsulat, lumabas sa isang kwarto si Louise, ka-section ko.

    Musta na?

    Oks lang.

    Natulog ka ba dito? (dahil nakapambahay kasi siya).

    Oo, nagabihan kasi ako eh kaya nakitulog ako dito.


    Wala bang gimik o sem-ender tayo?

    Depende na yan sa editorial board. Mukhang wala kasi walang pera eh.

    Ah, ok. Basta kapag may gimik itext iyo na lang ako ha?

    Sure.

    Kelan pala simula ng presswork para sa summer?

    Malamang sa pasukan na rin. Oh, magcomputer ka muna diyan. hinay hinay lang kasi natutulog sila.

    Sige oks lang, alis na ako eh. bakit lahat kayo tinanghali ng gising?

    Thesis.

    Sige alis na ako tsong. Bye

    Bye.

    apokalips was very bored at exactly 10:41 am
    Make a comment

    Monday, March 29, 2004
    Kawit, My Kawit

    The reason that no computer program can ever be a mind is simply that a computer program is only syntactical, and minds are more than syntactical. Minds are semantical, in the sense that they have more than a formal structure, they have a content.

    John Searle
        --Minds, Brains and Science
    #########

    Poetic. Surreal. two words to describe what I am feeling right now.

    Being an avid student of history, I have deep respect for the past plus deep appreciation and understanding of its importance to nation-building.  And since I am here in Kawit, Cavite escaping the mundane world, I decided that I will visit the Aguinaldo shrine which is 1 km away from my cousin's house. Because I believe any cavite "joy ride" or "tripping" is incomplete without visiting the aguinaldo shrine.

    Nakapambahay lang ako nang umalis sa bahay,  nakatsinelas, naka-t-shirt na "No Fear" at pantalon. Para naman di ako makatawag pansin, kasi nandoon ako as a lover of history, not as a visiitor from another country. Dala ko sampung piso (para pamasahe), isang panulat at papel (para pang notes, malay mo bigla akong kagatin ng "writer's bug" at maging inspired magsulat ng kung anu-ano) at isang libro: The History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo. Tama po ang nabasa niyo, nagdala ako ng history book. Hindi dahil pang-porma o props kundi dahil doon din akong nagbabalak mag-aral para sa eksamen ko bukas sa Kas 1 (Philippine history).

    Poetic, no? Nag-aaral ako para sa aking final exam sa Philippine History sa lugar na kung saan unang winagayway at dineklara ang kalayaan ng Pilipinas.

    Pagbaba ko pa lang sa mini-bus, una kong nakita ang balcony na kung saan dineklara ni Aguinaldo na malaya ang Pilipinas sa Espanya.  Sa taas ng balcony ay may isang wooden plank na may nakasulat na: Philippine Independence Proclaimed Here June 12, 1898.  Sa harap ng bahay ni Aguinaldo ay ang Aguinaldo park na kung saan nakatayo sa gitna ang malaking estatwa ni Emilio: nakasakay sa kabayo at may hawak na espada na parang itataga ito. Sa may paanan ng estatwa ay may nakasulat na isang tula: Sa Mga Cababayan ni Aguinaldo. Nakakalat ang anim na kanyon na kinakalawang na sa palagay ko ay original at talagang ginamit nila Aguinaldo sa himagsikan. Nakapalibot sa estatwa ang apat na malalaking bloke ng marmol na kung saan nakasulat ang buong proklamsyon ng kasarinlan ng Pilipinas sa tatlong lenggwahe: Filipino, English at Espanyol; kasama ang mga lagda na matatagpuan sa orihinal na manuskrito.

    Umupo ako sa may lilim ng isang puno at doon nag-aral.

    At unti unti kong binabasa ang kasaysayan ng lugar nito. Inimagine ang bawat galaw nila, kung saan sila nakahanay, kung saan nakalagay ang bandang tumutugtog ng Marcha Filipino Nacional, kung saan sila Apolinario Mabini, sila Emilio Aguinaldo at iba pa niyang mga kasamahan, kung nasaan ang taongbayan na sumisigaw ng "mabuhay ang Pilipinas,"  nasaan man ako kung buhay ako nakasaksi sa pangyayaring iyon.

    Surreal. Muli akong minumulto ng kasaysayan.

    Tanaw ko dito kung paano nila winawagayway ang bandila, kung paano sila humihiyaw. Kung paano sila, kahit panandalian lang, naging masaya na sa wakas nakamtan nila ang kalayaan. 

    Umalis ako sa aking kinauupuan masaya at puno ng pag-asa. Dahil ang lugar na ito ay puno ng pag-asa, sa katunayan ito'y isang batis ng pag-asa dahil dito namuo ang mga pag-asa natin na maging isang bansa. Dito nabuhay ang matagal nating minimithing kalayaan.

    Some interesting things about our history that you probably don't know:

    1. Na ang unang gobyerno natin ay isang dictatorship at ang unang diktador natin ay si Emilio Aguinaldo. (Basahin niyo ang Acta de la Proclamaccion de Independencia del Pueblo Filipino o Act of Proclamation of Independence of the Filipino People o Katitikan ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Bayang Pilipinas). So maling sabihin na si Marcos ang unang diktador dahil nauna sa kanya si Emilio Aguinaldo.

    2. Na mayroong bayan noon na ang pangalan ay SEXMOAN. Di ko alam kung mga bastos ang mga Pinoy dati o trip lang nila ang pangalang ito. (mula sa Proclamation of Philippine Independence: ...ng mga kawal na Kastilang nagsitakas sa Makabebe, Sexmoan at Guagua. ...promise, seryoso po ako. nakasulat talaga ito sa proclamation act.) 

    3. Na dati, iba ang sinisimbolo ng kulay asul, puti at pula sa ating bandila. Di ba ang asul nagsisimbolo ng kapayapaan, ang pula, digmaan at yung puti (ewan ko). Pero dati, ang sinisimbolo ng pula, asul at puti ay ang Estados Unidos. (mula sa Proclamation of Philippine Independence: ..and the colors blue, red and white, in commemoration of the flag of the United States of America, in manifestation of our profound gratitude towards that great nation...)

    4. Na hindi Visayas Islands ang sinisimbolo ng pangatlong bituin sa ating bandila kundi Panay. (Mula sa Proclamation of Philippine Independence:  .. ang tatlong bituin ay nagpapakilala ng tatlong malalaking pulo ng ating bansa: Luzon, Mindanao at Panay na siyang unang kinaganapan ng pagbangon ng ating bansa..)

    funny no? Pustahan tayo, di niyo yun alam. Ako rin nagulat noong nabasa ko sila kanina. At least may natutunan ako kanina. at kayo rin. Sige alis na ako, at mag-aaral pa ako para sa exam mamaya. Pagkatapos nito, itsoba!

    apokalips was very bored at exactly 02:00 am
    Comments (2)

    Sunday, March 28, 2004
    soul searching in cavite

    cavite, land of emilio aguinaldo, bong revilla and ping lacson.... and mini-buses!

    since bakasyon naman, kumati na naman itong mga makukulit na paa na maglakbay, bumisita (i think bwiseta would be the appropriate term) sa kung saan saan. Sayang wala akong camera para ipicture ang mga mapupuntahan ko pero anyway this travelouge would be fine, i guess.

    First stop ko: Cavite. March 27, 2004

    Umalis ako mga bandang 11:00 am sa aming boarding haus (kruh na ligah, UP Diliman, Q.C.). Di na ako kumain dahil di pa naman ako gutom (actually, malakas pa ang hangover ko dahil nag-inuman kami sa boarding haus kagabi). Buti na lang naka-impake na ang lahat ng dadalhin ko, kasi kung hindi baka nakalimutan ko na naman magdala ng toothbrush at underwear (hahaha, nangyari na to sa akin once, and i dont want a repeat of this kind of bloopers).

    Sumakay ako ng ordinary bus from philcoa papuntang baclaran and from there sasakay ng minibus or bus papuntang cavite. Well, napansin ko lang na at the end of edsa is the sm's mall of asia. Yan ba yung sinasabi nilang world's largest mall o joke lang yung claim na iyon? Nakakatawa kasi nakahati into two yung mall of asia. parang SM bicutan. Pero infairness, mahaba ang mall of asia, kaso nga lang dalawang floor lang siguro siya (or baka nga isa lang eh). Pero di ako sure kasi di pa naman ako nakapasok doon. Pero, sana kapag nag-open na siya, pupunta ako.

    Pagbaba ko sa baclaran, bumulaga sa akin ang kakaibang amoy: amoy ihi ang daan. Syet! ang bantot. Calling MMDA, bakit walang urinals dito sa baclaran?

    Agad-agad akong sumakay ng ordinary bus para makaiwas sa umaalingasaw na baho. Syet, mabaho pa rin. At shet, walang aircon bus. Grrr.. mainit na, mabantot pa! grabee, malas ko naman. Nasayang yung paligo ko.

    Tumambay ng 10 minutes yung bus, naghihntay ng pasahero pero parang biyernes santo ang dating ng mga pasahero. Kunti lang ang sumasakay, kaya napilitan ang driver na umalis na lang kaysa maghintay sa kawalan.

    Matrapik ang daan papuntang Cavite. Dami kasing sasakyan at ang kitid pa ng daan. dagdagan pa ng mga nagmotorcade dahil sa nangangampanya. Tanong lang, ilan ang probabality na boboto sa kanila yung linalamanuhan nila? At mananalo ba sila kung di sila nagmotorcade? At nasisiyahan ba ang mga tao dahil sila ang dahilan kung bakit may trapik dito sa bacoor?

    Buti na lang, sa SM BAcoor liliko kami pakanan papuntang Kawi, Cavite. I think legendary na ang trapik sa Cavite. Talo ang trapik dito sa manila. Usad pagong ang daloy ng trapiko dito.

    From SM Bacoor to Kawit ay mabilis na ang daloy ng trapiko. Buti naman, para makaligo na ako. Ang init kasi eh, actually, naliligo na ako sa aking pawis.

    Pagdating sa may isang crossing, napansin ko na mali pala yung nasakyan kong bus. Papuntang Naic via centennial yung naskyan ko, dapat pala Naic via Salinas. Bumaba ako sa may crossing at sumakay ng bus ulit. hay, perwisyo talag. Bago kasi ako sumakay sa bus naiyon, tinanong ko kung dadaan ng Kawit, sabi niya oo. Dumaan nga ng Kawit pero hindi sa town proper. Arggh, gusto kong patayin ang driver.

    After a few minutes, nasa bahay na ako ng pinsan ko. Hay, home sweet home. Kailangan ko na maligo at kumain. NakakalaKad na pala yung pamangkin kong si Audrey at bago na naman yung yaya niya. kasi yung dati niyang yaya maarte. Biro mo nagpapabili ng ponds at ibang pang kakikayan dahil di daw hiyang sa kanya yung ginagamit nila ate Nelsie na Safeguard at St. Yves body Scrub. Tapos, mahilig pa umeksena at sumali sa usapan. Pero ang nakakatuwa sa kanya, mahilig magkwento ng love story niya. Nakak-aliw kasi kilala namin kung sinu-sino yung tinutukoy niya kasi nga kababayan namin siya. Di pala namin aakalain na si ganita at si ganyan nagkagusto sa kanya (at nagnanasa sa kanya). pero siguro, hindi nakakatuwa siya kaya nadeport siya at kumuha ng bagong import.

    Pero, malas ko lang, two kilometers away ako sa pinakamalapit na internet cafe, so magiging less frequent ang aking pag-iinternet (at pagbloblog).

    Peaceful and feels like home. Perfect for soul searching.

    Oh by the way, i forgot, buti na lang dala ko yung libro kung "Classics of Wstern Philosophy" - a heavy, three-inch thick book, which i bought for, guess what, 150 pesos sa Diplomat Bookstore sa may SM Bicutan. I bought it on impulse kasi sobrang bargain. I think the original price of the book ranges from 1200-1700 pesos. Yun yung binabasa ko as of this moment. I'm starting with Plato and other greek philosophers. Natatawa ako kasi they have a different notion of virtue those days. at iba rin ang world view nila. Baka next time na lang ako magbibigay ng reactions tungkol sa kanila.

    Man, Britney was hot in that MTV special. That was something, really special. Britney, please, give me a call when you are here in the Philipines. Please?


    apokalips was very bored at exactly 05:25 pm
    Comments (1)

    Friday, March 26, 2004
    Masks

    In the consciousness of the truth he has perceived, man now sees everywhere only the awfulness or the absurdity of existence... and loathing seizes him.

    Friedrich Nietzsche
    --The Birth of Tragedy

    #########

    How could you radiate such peacefulness when you are full of angst inside, full of complaints against the world, burning with hate, plotting for the destruction of human race. How could you be so gentle even if you are chaos personified. How could you be so meek when beneath that thick skull is a diabolical mind.

    These were your questions one fateful December night. When the stars sparkled their sparkling best, when the moon lorded the glittering sky.

    How could you be so? It seems you are too good to be true, too impossible to exist, too inhuman to be human. Your questions were endless, having the fury of a failed rain. And I tried to answer them one by one; I tried to point out and clarify any misconceptions about me and my existence.

    Yes, I admit I am full of hate. I am full of angst. I am evil so to speak. But such conceptions are relative to any existing dogmas and is oftentimes debatable because we don't live where everything is absolute. Because we live where everything is relative.

    And as I laid carefully my philosophy before you, point by point, concept by concept, I observed that you were listening intently like a student listening to his master. You tried to catch me up, but my words were faster than your thoughts. Probably because I succesfully demystified things, because all I said overwhelemd you that it came to a point that you become numb for an hour or so.

    "Ikaw naman kasi eh," I said to her, "trinigger mo ang pagiging pilosopo ko. Ayan tuloy gumulo ang buhay mo."

    I was waiting for her comment, waiting for her to say at least one sentence. Just one sentence and I would be fine for the rest of the night. I was half-expecting that she would go on with her tirades and sermons about life, how great the good Lord is, why life is good, beautiful and rosy and sweet and everything an idealist would say. In short, I was ready for her sarcasm.

    But her reply was a sweet smile and a long hug.

    I resigned and hug her back. "Please, no more. Let us just enjoy the night," she begged.

    "Your wish is my command, ma'am," I softly whispered to her.

    Then on that night, I took off my mask because there were no need of pretending, no need to hide. Because the mask I am wearing have no use anymore.

    We all wear masks in some points of our lives to hide the real us, to hide the monsters inside our closet. Only true friends have the capacity to discover the face behind the mask. And you discovered mine as we took a journey no one would expect to last. You understood my predicament, my dilemma. You understood well that I wear masks so I can be as sociable as anyone else, so I can live a "normal" life. You understood that in order to survive in this chaotic society and in order to "mask" the real me, first I must assume a different personality, sport a different image because everyone would scourn me to death if I present the real me. You understood because you care for me for who I am, for who I was and for who I will become.

    And for this I thank you.

    Because of you, little by little, I am trying my best to change for the better. As you can see, before I used to hate every person, even the one near me who has done nothing to me except breathing the air that I was breathing. I was full of hate and angst that it drove me nearly to my death. My hatred was inconsumable, it was an immortal flame burning inside me. But then you came along, a firewoman who put out the fires.


    apokalips was very bored at exactly 06:11 pm
    Make a comment

    Thursday, March 25, 2004
    Para sa aking mambabasa

    Pasensiya na kung mahirap akong intindihin, at kung naiintindihan niyo man ako, pasensiya na kung sinasagasa ko ang sensibilidad ninyo. Hindi naman talaga yaon ang aking layunin ko sa pagset-up ng blog na ito. Ang layunin ng aking pagsusulat ay upang ibahagi sa inyo ang isang kakaibang pagtanaw sa mundo. Upang ipakita na maraming pwedeng gamiting theoretical framework upang interpretahin ang mga bagay-bagay, ang mga iba't ibang nangyayari. Ang world view na ibinabahagi ko ay hindi alipin sa dikta ng lipunan bagkus sumusuway at bumabangga kapag hindi sumasang-ayon; hindi bulag at bingi sa tunay na nangyayari - kaya nga "death of idealism" dahil winasak ko na ang mga "traces of idolatric worship of idealism and perfection" sa aking ideolohiya; hindi sunud-sunuran sa pag-iisip ng iba, sa pakulo ng iba, kundi sumusunod sa sarililamang, nagtitiwala sa sarili na kayang himay-himayin at gumawa ng sariling opinyon tungkol sa lahat ng bagay; hindi takot na ipahayag kung ano man ang nararamdaman, kung ano man ang nasa isip, kung ano man ang gustong sabihin.

    Aaminin ko (minsan lang ito, kaya pagbigyan niyo na ako), na ang aking ginagamit na pananaw o world view o theoretical framework ay "marxismo." Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ako bukas sa ibang pananaw, yun nga lang malaki ang impluwensiya ng "marxismo" sa aking pagsusulat at pag-iisip. Bukas ako sa ibang pananaw dahil hindi nakukuntento ang aking imahinasyon sa iisang pananaw lamang. Dahil kung iisang pananaw lang ang ginagamit, ika'y nakukulong sa "imperfections" ng nasabing pananaw.

    Alam kong maraming pagkukulang ang pilosopiyang ito, mas lalong mahirap magbigay ng isang "Marxist interpretation" sa lahat ng sosyal at politikal na pangyayari. HIndi ko pa lubus-lubusang gamay ang "marxismo," sa katunayan ako'y isang estudyante ng megatheory na ito, pero alam ko ang limitasyon ng vision ng "marxismo." Pero ganun pa man, ang "marxismo" ay patuloy na nagbibigay sa akin ng isang komprehensibong pagtanaw sa mundo.

    Pero ang paggamit ng "marxismo" bilang pangunahing pananaw ay di nangangahulugan na komunista ako o isang sosyalista. Ibang bagay ang marxismo sa komunismo at sosyalismo. Mahaba-habang usapin ito kaya iiwas muna ako at saka ko na lang ipapaliwanag. Kungbaga, iskip tayo at fastforward.

    Isa ding malaking impluwensiya sa aking pag-iisip ay ang "postmodernism." Laganap na ang paggamit ng world-view na ito ngunit kunti pa lang ang lubos na nakakaintindi nito. Ipinakilala ni Zygmunt Bauman ang "postmodernity" nang ganito: "the widespread aversion to grand social design (tulad ng kaayusan at pag-unlad), the loss of interest to absolute truths, the privitization of redemptive urges, reconcilliation with the relative - merely heuristic - value of life techniques, acceptance of the irredeemable plurality of the lived." Madalas ay binibigyang halaga nito, tahas man o hindi ang pag-iisip na batay sa indibidwal (Asa, R.C. Public Lives, Perilous Lines).

    Mga ibang pilosopiya na bumebenta sa akin ay ang ang Emersonian Individualism at Machiavellianismo. Malaki at hindi masusukat din ang kanilang papel sa paghubog ng aking kaisipan at pagsulat (lalo na si Emerson na hanggang ngayon ay pinipilit ko na gayahin ang istilo ng pagsusulat ngunit lagi akong bigo. Mahirap talaga pantayan ang isang diyos).

    Ang pagsusulat ko ay isang paglalakbay patungo sa isang "higher consciousness." Ito'y isang paglalakbay sa lubak-lubak na diskorso. Baon ko ang aking mga mapangahas na salita, rhetorika, ideya at pilosopiya na magsisilbing pagkain, panangga at sandata habang tinatahak ko ang ng walang kapaguran ang distansyang naghihiwalay/naguugnay sa akin at sa aking destinasyon. Dadaanan, tatapakan natin ang mga guho ng mga tinibag na diskurso at istrakturang paniniwala. Hindi isang pasyal ang magaganap na biyahe, dahil mahirap, madugo at hitik sa pakikibaka ang daan; dahil hindi magagandang tanawin ang bubulaga sa akin kundi mga nakakalungkot na reyalidad ng lipunang ginagalawan natin. Isang digma ang aking paglalakbay: habang isa-isa kong inaangat at ipnaglalaban ang mga kababayan natin, isa-isa ko ring tinutupad ang aking mga pangarap. dahil ito ang buhay ko, ito ang rason kung bakit ako nandito sa mundo, ito ang rason kung bakit sumulpot ako na parang singaw dito sa lupa, ito ang rason kung bakit ako nagsusulat.

    At sa paglalakbay na ito, ang aking panulat, pinatulis ng karanasan, karahasan at rhetorika, ay isang sandatang pang-sunggab sa kamalayan ng bawat Pilipino. Dahil ang aking pagsusulat ay walang inaatrasan, walang iniiwasan.


    nangangamusta,
    leo aka "godkiller"


    *p.s. salamat sa inyong pagtangkilik, salamat sa pagbabasa ng mga entries ko dito.
    kayo ang rason kung bakit din ako nagsusulat.


    apokalips was very bored at exactly 12:28 am
    Comments (1)

    Wednesday, March 24, 2004
    Love Doesn’t Exist Here Any More*

    Mahirap mamaalam kung ika'y nakatali sa nakaraan

    #########

    Dear *****,

    Look, love doesn’t exist any more. Maybe it never did, and we were all conned into believing it, like Santa Claus and fairies. You see, what I mean about love, It’s splashed all over all those women’s magazine, like too much perfume over a good dress. All that slushy, sentimental, corny mush they call romantic fiction – on and on about that great, woolly, woozy feeling called love You think I’m unreasonable? That love is a sophisticated hypnosis, as insidious as advertising? I remember. SURE. Love’s that great ennobling spirit that is going to redeem mankind, halt us from our headlong rush into perdition. Tell me – I’d really like to know – does love feed and clothe the hungry, ragged the millions? Does it eradicate war or inflation, or prejudice or plain STUPIDITY? You tell me you don’t need anything when you’ve got love. Walk around in this starved haze, imbibe fresh air, blow your mind on sweet nothings. And when your teeth drop out, tell me again, that love is all you need. You know something? You can’t breathe or smell or taste or touch love. With all that smog and pollution, I don’t blame you if you can’t see it, or hear it either. Don’t tell me I’m too dense to see these abstractions. Abstractions are the refuge of fools. You can’t explain it simply because there’s nothing to explain: it isn’t there.

    Grow up, *****. The world’s a wonderful place to live in. It’s out there waiting for you – and a billion others too. You don’t have to be UN population expert to know that it is every man for himself, and that love’s not freely available. That’s another commodity that subject to the law of supply and demand, and may I caution you that the supply is limited (if the stocks haven’t already run out). You still think that maybe, just maybe, “VENI, VEDI, VECI.” Latin’s a dead language. Love’s like latin, it is a dead language. Oh, you ought to know by now when not to hit your head against a brick wall. Why are you so stubborn? You heard the one about what the world needs now is LOVE? That’s another four- letter word routine that travels the gag-line. Let’s face it, pare, I’m the biggest sucker alive. I wouldn’t believe it all myself. I’ve fallen for all that crap, special delivery from tinseltown. Maybe its because I didn’t have glasses on (but probably its not the glasses because I don’t have one). Go ahead pare, call me a fool. It’s a classical example of conditioning, if ever there was one. Now spew all your favourite theories about Freud, environment, personality, you-name-it. Because, doctor, I’m suffering from all the symptoms, and if you can’t cure me, I guess no one can.

    I heard some responsible citizen say that love is a cop-out from the pressures and duties that we all owe to family and country. Personally, I think its another excuse he needs for calling me names. Like “traitor,” for example. Don’t worry. I’m not going to hand you that line about the world well lost for love. Because it isn’t. And getting lost isn’t as easy as it sounds, believe me, If you tried running away and all your relatives living down the road are keeping an eye out for you.

    Even that is dignified by the name of love. They are so worried stiff about your breaking your neck in some fall when you are climbing over the fence. And why, pray tell? Because they love you! Didn’t I ever say you couldn’t ever escape from it, even in your wildest dreams, otherwise some knight in clanking armor will fall from his horse at your feet – so you must succumb to love’s sweet charms? Well, that’s the way the ball goes, that’s the way it is. Or didn’t you know?

    Who needs love, *****.
    Who? Need you ask?
    Even if it doesn’t exist any more?

    *pasintabi sa original na awtor nito, patawad kung binaboy ko ng lubusan ang liham mo.... hehehe


    apokalips was very bored at exactly 01:46 pm
    Make a comment

    Next Page