The Death of Idealism one man - alone, lonely and angry - against the world
warning: musings of a dangerous mind, never attempt to read further if you are secured with what you believe, with your feelings, with yourself. Reading this blogspot may change your life, your outlook in life, your beliefs. ">

Contact Me
 


|
Wednesday, April 07, 2004
control z*

tinanong sa akin ni cher (a fellow blogger) dati kung may control z ang buhay, ano kaya ang iu-undo ko. sagot ko naman, kunti lang malamang dahil wala naman ako regrets sa buhay ko. pero during the past few days, napag-isip isip ko na marami pala akong dapat i-ctrl z sa buhay ko. dapat pala marami akong balikan at ayusin. balikan at ayusin.
marami akong pagkakamali, i admit. marami akong katangahan na ginawa, nasabi, inisip at kung anu-ano pa. marami akong kabulastugan. marami akong pinaiyak, pinaluha (and of course, maraming beses din akong nasaktan at umaray). in short, after 22 years of existence i accumulated enough mistakes that will guarantee me entry to hell (assuming that there is hell).
but my greatest mistake was you. di ko alam kung bakit ganun, kung bakit ikaw ang aking greatest regret. malamang, ikaw kasi ang dahilan kung bakit miserable ako ngayon, kung bakit nawawala ako ngayon, kung bakit ako nagkaganito, kung bakit galit ako sa mundo. ikaw ang dahilan kung bakit nawawala ako sa aking landas. dapat ang biyahe ko ay from point a to point b, pero salamat sa iyo, napunta ako sa point z.
hanggang ngayon misteryo kung bakit ikaw ang aking greatest mistake. masaya naman tayo di ba? masayang masaya di ba? sabi mo pa nga sa akin, parang magkakakilala na tayo noong after life natin, at parang magkababata tayo ngayon kahit ilang taon pa lang tayong magkakilala. Parang alam ko na ang gagawin mo under any circumstances, parang naging predictable na tayo, parang sobrang alam na natin ang isa't isa na there is no need of pretending, there is no need of hiding in the dark. dahil alam na natin ang bawat istorya ng ating buhay. dahil alam na natin ang mga deepest, darkest secrets ng bawat isa.
pero saan tayo nagkamali? saan tayo nagkamali ng akala? di ko matanto kung ano ang dahilan. kaya heto ako ngayon, miserable, isang despicable na taong-lupa na naghihintay na lang ng panahon na lumipas, isang kaluluwa nabiyak into million pieces, isang naglalakad na zombie-di alam kung saan patungo, di alam kung ano ang gagawin.
pero kahit ganoon pa man, di kita kayang i-undo sa buhay ko dahil malaki ang nagawa mo sa akin, ikaw ang nagpapatatag sa kin, ikaw ang aking sandalan kung binabagyo at tinatangay ako ng aking mga problema, ikaw ang ilaw kung wala akong makita, ikaw ang hangin na bumubuhay sa akin.
di kita kayang i-undo. di kita kayang i-ctrl z sa buhay ko. dahil mahal kita. sobra. mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko
ictrl z ko na lang kaya sarili ko para matapos na ang lahat?
*sa microsoft word, ang control z (ctrl z) ay undo.
apokalips was very bored at exactly 03:32 pm
Monday, April 05, 2004
napansin niyo ba?

na 04/04/04 kahapon?
apokalips was very bored at exactly 02:34 pm
the tide recedes

the tide recedes
but leaves behind bright
seashells on the sand;
the sun goes down
but gentle warmth still
lingers on the land;
the music stops
and yet it echoes on
in sweet refrains.
for every joy that passes something beautiful remains
apokalips was very bored at exactly 01:55 pm
Sunday, April 04, 2004
certainty and uncertainty

uncertainty, i love that word. it makes you feel helpless against the roll of
the dice. it makes you shiver, it crawls into your skin and not just skin deep
but bone deep. it makes you whither like a tree in autumn, it makes you go in
circles thinking how you will overcome this handicap of not knowing the future,
being uncertain of the future..
we live in a very weird world, i guess. the madness will always go on, marching
ahead. marching towards eternity. and where are we as this madness marches
toward oblivion? we are just mere spectators as events unfolds under our sorry
gazes. yes, we are merely spectators of uncertainties unfolding every second.
we are called by many names: children of fortune, lady luck's children, slaves
of the future. such an insult to our intellect, isnt it? our future is hostaged
by some forces we could not even see nor smell nor touch nor feel. nor love.
yes, it is uncertain whether i will be having my last breath or not, whether if
i could ever see the dawn, if i could ever see my children becoming slaves of
the future... no one can tell, but there is something i'm sure of: that i miss
you so much. how i wish you are in my arms tonight. if that moment comes, i
will be very certain, dead-sure that that single moment, that single instant
will be suspended and be stretched into eternity...
*******
back from calatagan. hehe. enjoyed it. loved it.
nakakapagod nga eh. saka na lang mga stories about that outing.
promise i'll write about it. ciao.
apokalips was very bored at exactly 08:41 pm
Friday, April 02, 2004
panggugulantang sa calatagan

hehehe.. sem-ender na namin. sa calatagan ang patungo.
maghanda na ang buong bayan. dahil lulusob ang UP CIEM!!!
ihanda ang salbabida, pati ang volleyball
dahil maglalaro tayo under the sun!!
wahaha, ang corny ko talaga kapag nagfefeeling makata
pero anong magagawa, wag na lang mamomobrelama
dahil calatagan, here we go!!! its time to parteee!!
hehehe. pagpasensyahan niyo na ako. excited lang.
apokalips was very bored at exactly 01:10 pm
Thursday, April 01, 2004
happy april fools day.......

[sana makasama ako sa sem-ender]
[sana matapos na itong pagsesenti]
[sana matanggap ko na ang lahat]
[at sana ........ makalayas na ako dito]
[dito sa aking ginawang impyerno]
ngek. i lied. happy april fools day.
apokalips was very bored at exactly 11:30 am
Wednesday, March 31, 2004
Hithit-buga: Ritwal ng Paglilimot

Lest I become a walking zombie, I must free myself from the shackles of your memory.
Di ako nagsisigarilyo. Dahil takot ako mamatay dahil sa sigarilyo. Kaya wala akong kamuwang muwang kung ano ang reds, lights at menthol. Para sa akin pare-pareho lang sila - mga sugo ni Satanas.
Pinangako ko sa sarili ko dati na hindi ako magyoyosi. Kahit kailan man. Walang dadaloy na nikotin sa aking mga baga dahil di ko ilalapat ni isang sigarilyo sa aking mga labi.
Ngunit kagabi, binasag ko ang aking pangako gaya ng pagbasag mo sa iyong mga pangako. Nakalimang sticks ako habang linalagok ko ang ilang bote ng San Mig Light. Sunod-sunod kong naubos ang limang sticks. Wala man lang pag-aalinlangan, walang hesitasyon, basta kuha lang ng kuha ng yosi at biglang sinisindihan ito.
Napaubo ako ng kunti dahil hindi naman kasi sanay na makalanghap ng usok ng yosi. Pero titiisin ko na lang ito kaysa maala-ala muli kita.
Hithit-buga. Ito ang drama ko. Hithit-buga habang unti-unti kong ninanamnam ang sakit at poot ng nagdaan, habang dali-daliang hinihithit ang nikotin ng tabako, inaalala ko ang mga alaalang dali-daliang sinusunog ng yosi. Parang naghahabulan sila - ang apoy at ang aking mga alaala - patungo sa akin. Nagmamadali ang aking mga alaala na sumugod at magpaalam bago sila tuluyang mabura ng rumaragasang apoy. At sa isang iglap, sabay-sabay silang nagpasa-masid sa aking harap. Mga alaalang nagpaligaya sa akin, nagpatatag sa akin, nagpalungkot, nagpaiyak at sumugat sa akin. At sa loob ng limang stick ng sigarilyo, dumaan silang lahat at namaalam kasabay sa pagbuga ko ng usok.
Hithit-buga. Hinihithit ko ang mga alaalang unti-unting inaamag ng kahapon at sabay ibubuga papalayo upang tuluyang makalimutan ka na. Pabigat ka na kasi, nahihirapan na ako. Inaamin ko masaya ako dati sa piling mo pero ngayon di ko na alam. Inaamin ko, ikaw ang nagpapaligaya sa akin pero ngayon di ko na alam. People change, wika nga nila. Nagbago ka, nagbago ako, nagbago ang panaho, nagbago ang ihip ng panahon. Tinangay ng ihip ng pagbabago ang ating nakaraan at tuluyang natapon sa kawalan.
Nasasakal na ako sa kalagayan ko ngayon. Mahirap naman kasi kalimutan ang isang tao na minsang nagpaligaya sa iyo. Pero wala akong magagawa, una mo akong kinalimutan. Ngunit kahit ganoon pa man, nandito ka pa rin sa aking isipan, tumatambay sa aking alaala. Ngunit, kailangan na kitang kalimutan para makausad na ako kahit isang pulgada man lamang dahil ikaw ang pabigat na naghihinto sa akin.
Pero paulit-ulit ko na lang itong ginagawa - itong ritwal ng paglilimot sa iyo. Pra na nga akong sirang-plaka, paulit-ulit na parang nahihibang at naprapraning.
Kaya kagabi, itinaas ko ang bandila sa huling pagkaktaon at iwinagayway, iprinoklama ang aking kalayaan sa iyo habang hinithit-buga ang sigarilyong madali ng maupos.
apokalips was very bored at exactly 12:48 pm
Tuesday, March 30, 2004
visiting kule

pagkatapos ng aking final exam sa kas 1, napagpasyahan ko na pumunta sa kule office [kule: Philippine Collegian, the official student publication of UP]. medyo matagal tagal na rin na hindi ako bumibisita doon. baka namimiss na ako nila. sana.
eh bakit naman nila ako mamimiss eh baguhan pa lang ako doon? kunti pa lang ang kilala ko doon, sa katunayan mga taga-Kultura section pa lang ang kilala ko at iba pa (kilala ko na si kenikenken at si warren del mundo, bleh!)
hinanap ko ang logbook at nagbasa basa ng kunti. just what i have been expecting: namimiss na ako ng aking mga ka-kultura section. hahaha, buti naman. lalo na si fuj na siya ngayong bagong editor in chief ng kule for next sem. si jee, nangiimbita na pumunta daw kami ng boracay. hay, sana lang. wish ko lang makasama ako. sana may pera ako at sana lang. sarap pa naman magboracay kapag summer. maraming magagandang "tanawin."
pagkatapos kung magbasa, nagsulat ako sa logbook. hey all, miss ko na kayong lahat. sori kung di ako nakapagpresswork kasi may problema sa bahay (bola). hehe. guys, kung meron mang gimik, itext niyo na lang ako sa number na ito. hay atat na atat na ako magsulat sa summer edition ng kule. Leo, fresh meat.
pagkatapos kung magsulat, lumabas sa isang kwarto si Louise, ka-section ko.
Musta na?
Oks lang.
Natulog ka ba dito? (dahil nakapambahay kasi siya).
Oo, nagabihan kasi ako eh kaya nakitulog ako dito.
Wala bang gimik o sem-ender tayo?
Depende na yan sa editorial board. Mukhang wala kasi walang pera eh.
Ah, ok. Basta kapag may gimik itext iyo na lang ako ha?
Sure.
Kelan pala simula ng presswork para sa summer?
Malamang sa pasukan na rin. Oh, magcomputer ka muna diyan. hinay hinay lang kasi natutulog sila.
Sige oks lang, alis na ako eh. bakit lahat kayo tinanghali ng gising?
Thesis.
Sige alis na ako tsong. Bye
Bye.
apokalips was very bored at exactly 10:41 am
Monday, March 29, 2004
Kawit, My Kawit

The reason that no computer program can ever be a mind is simply that a computer program is only syntactical, and minds are more than syntactical. Minds are semantical, in the sense that they have more than a formal structure, they have a content.
John Searle
--Minds, Brains and Science
#########
Poetic. Surreal. two words to describe what I am feeling right now.
Being an avid student of history, I have deep respect for the past plus deep appreciation and understanding of its importance to nation-building. And since I am here in Kawit, Cavite escaping the mundane world, I decided that I will visit the Aguinaldo shrine which is 1 km away from my cousin's house. Because I believe any cavite "joy ride" or "tripping" is incomplete without visiting the aguinaldo shrine.
Nakapambahay lang ako nang umalis sa bahay, nakatsinelas, naka-t-shirt na "No Fear" at pantalon. Para naman di ako makatawag pansin, kasi nandoon ako as a lover of history, not as a visiitor from another country. Dala ko sampung piso (para pamasahe), isang panulat at papel (para pang notes, malay mo bigla akong kagatin ng "writer's bug" at maging inspired magsulat ng kung anu-ano) at isang libro: The History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo. Tama po ang nabasa niyo, nagdala ako ng history book. Hindi dahil pang-porma o props kundi dahil doon din akong nagbabalak mag-aral para sa eksamen ko bukas sa Kas 1 (Philippine history).
Poetic, no? Nag-aaral ako para sa aking final exam sa Philippine History sa lugar na kung saan unang winagayway at dineklara ang kalayaan ng Pilipinas.
Pagbaba ko pa lang sa mini-bus, una kong nakita ang balcony na kung saan dineklara ni Aguinaldo na malaya ang Pilipinas sa Espanya. Sa taas ng balcony ay may isang wooden plank na may nakasulat na: Philippine Independence Proclaimed Here June 12, 1898. Sa harap ng bahay ni Aguinaldo ay ang Aguinaldo park na kung saan nakatayo sa gitna ang malaking estatwa ni Emilio: nakasakay sa kabayo at may hawak na espada na parang itataga ito. Sa may paanan ng estatwa ay may nakasulat na isang tula: Sa Mga Cababayan ni Aguinaldo. Nakakalat ang anim na kanyon na kinakalawang na sa palagay ko ay original at talagang ginamit nila Aguinaldo sa himagsikan. Nakapalibot sa estatwa ang apat na malalaking bloke ng marmol na kung saan nakasulat ang buong proklamsyon ng kasarinlan ng Pilipinas sa tatlong lenggwahe: Filipino, English at Espanyol; kasama ang mga lagda na matatagpuan sa orihinal na manuskrito.
Umupo ako sa may lilim ng isang puno at doon nag-aral.
At unti unti kong binabasa ang kasaysayan ng lugar nito. Inimagine ang bawat galaw nila, kung saan sila nakahanay, kung saan nakalagay ang bandang tumutugtog ng Marcha Filipino Nacional, kung saan sila Apolinario Mabini, sila Emilio Aguinaldo at iba pa niyang mga kasamahan, kung nasaan ang taongbayan na sumisigaw ng "mabuhay ang Pilipinas," nasaan man ako kung buhay ako nakasaksi sa pangyayaring iyon.
Surreal. Muli akong minumulto ng kasaysayan.
Tanaw ko dito kung paano nila winawagayway ang bandila, kung paano sila humihiyaw. Kung paano sila, kahit panandalian lang, naging masaya na sa wakas nakamtan nila ang kalayaan.
Umalis ako sa aking kinauupuan masaya at puno ng pag-asa. Dahil ang lugar na ito ay puno ng pag-asa, sa katunayan ito'y isang batis ng pag-asa dahil dito namuo ang mga pag-asa natin na maging isang bansa. Dito nabuhay ang matagal nating minimithing kalayaan.
Some interesting things about our history that you probably don't know:
1. Na ang unang gobyerno natin ay isang dictatorship at ang unang diktador natin ay si Emilio Aguinaldo. (Basahin niyo ang Acta de la Proclamaccion de Independencia del Pueblo Filipino o Act of Proclamation of Independence of the Filipino People o Katitikan ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Bayang Pilipinas). So maling sabihin na si Marcos ang unang diktador dahil nauna sa kanya si Emilio Aguinaldo.
2. Na mayroong bayan noon na ang pangalan ay SEXMOAN. Di ko alam kung mga bastos ang mga Pinoy dati o trip lang nila ang pangalang ito. (mula sa Proclamation of Philippine Independence: ...ng mga kawal na Kastilang nagsitakas sa Makabebe, Sexmoan at Guagua. ...promise, seryoso po ako. nakasulat talaga ito sa proclamation act.)
3. Na dati, iba ang sinisimbolo ng kulay asul, puti at pula sa ating bandila. Di ba ang asul nagsisimbolo ng kapayapaan, ang pula, digmaan at yung puti (ewan ko). Pero dati, ang sinisimbolo ng pula, asul at puti ay ang Estados Unidos. (mula sa Proclamation of Philippine Independence: ..and the colors blue, red and white, in commemoration of the flag of the United States of America, in manifestation of our profound gratitude towards that great nation...)
4. Na hindi Visayas Islands ang sinisimbolo ng pangatlong bituin sa ating bandila kundi Panay. (Mula sa Proclamation of Philippine Independence: .. ang tatlong bituin ay nagpapakilala ng tatlong malalaking pulo ng ating bansa: Luzon, Mindanao at Panay na siyang unang kinaganapan ng pagbangon ng ating bansa..)
funny no? Pustahan tayo, di niyo yun alam. Ako rin nagulat noong nabasa ko sila kanina. At least may natutunan ako kanina. at kayo rin. Sige alis na ako, at mag-aaral pa ako para sa exam mamaya. Pagkatapos nito, itsoba!
apokalips was very bored at exactly 02:00 am
Sunday, March 28, 2004
soul searching in cavite

cavite, land of emilio aguinaldo, bong revilla and ping lacson.... and mini-buses!
since bakasyon naman, kumati na naman itong mga makukulit na paa na maglakbay, bumisita (i think bwiseta would be the appropriate term) sa kung saan saan. Sayang wala akong camera para ipicture ang mga mapupuntahan ko pero anyway this travelouge would be fine, i guess.
First stop ko: Cavite. March 27, 2004
Umalis ako mga bandang 11:00 am sa aming boarding haus (kruh na ligah, UP Diliman, Q.C.). Di na ako kumain dahil di pa naman ako gutom (actually, malakas pa ang hangover ko dahil nag-inuman kami sa boarding haus kagabi). Buti na lang naka-impake na ang lahat ng dadalhin ko, kasi kung hindi baka nakalimutan ko na naman magdala ng toothbrush at underwear (hahaha, nangyari na to sa akin once, and i dont want a repeat of this kind of bloopers).
Sumakay ako ng ordinary bus from philcoa papuntang baclaran and from there sasakay ng minibus or bus papuntang cavite. Well, napansin ko lang na at the end of edsa is the sm's mall of asia. Yan ba yung sinasabi nilang world's largest mall o joke lang yung claim na iyon? Nakakatawa kasi nakahati into two yung mall of asia. parang SM bicutan. Pero infairness, mahaba ang mall of asia, kaso nga lang dalawang floor lang siguro siya (or baka nga isa lang eh). Pero di ako sure kasi di pa naman ako nakapasok doon. Pero, sana kapag nag-open na siya, pupunta ako.
Pagbaba ko sa baclaran, bumulaga sa akin ang kakaibang amoy: amoy ihi ang daan. Syet! ang bantot. Calling MMDA, bakit walang urinals dito sa baclaran?
Agad-agad akong sumakay ng ordinary bus para makaiwas sa umaalingasaw na baho. Syet, mabaho pa rin. At shet, walang aircon bus. Grrr.. mainit na, mabantot pa! grabee, malas ko naman. Nasayang yung paligo ko.
Tumambay ng 10 minutes yung bus, naghihntay ng pasahero pero parang biyernes santo ang dating ng mga pasahero. Kunti lang ang sumasakay, kaya napilitan ang driver na umalis na lang kaysa maghintay sa kawalan.
Matrapik ang daan papuntang Cavite. Dami kasing sasakyan at ang kitid pa ng daan. dagdagan pa ng mga nagmotorcade dahil sa nangangampanya. Tanong lang, ilan ang probabality na boboto sa kanila yung linalamanuhan nila? At mananalo ba sila kung di sila nagmotorcade? At nasisiyahan ba ang mga tao dahil sila ang dahilan kung bakit may trapik dito sa bacoor?
Buti na lang, sa SM BAcoor liliko kami pakanan papuntang Kawi, Cavite. I think legendary na ang trapik sa Cavite. Talo ang trapik dito sa manila. Usad pagong ang daloy ng trapiko dito.
From SM Bacoor to Kawit ay mabilis na ang daloy ng trapiko. Buti naman, para makaligo na ako. Ang init kasi eh, actually, naliligo na ako sa aking pawis.
Pagdating sa may isang crossing, napansin ko na mali pala yung nasakyan kong bus. Papuntang Naic via centennial yung naskyan ko, dapat pala Naic via Salinas. Bumaba ako sa may crossing at sumakay ng bus ulit. hay, perwisyo talag. Bago kasi ako sumakay sa bus naiyon, tinanong ko kung dadaan ng Kawit, sabi niya oo. Dumaan nga ng Kawit pero hindi sa town proper. Arggh, gusto kong patayin ang driver.
After a few minutes, nasa bahay na ako ng pinsan ko. Hay, home sweet home. Kailangan ko na maligo at kumain. NakakalaKad na pala yung pamangkin kong si Audrey at bago na naman yung yaya niya. kasi yung dati niyang yaya maarte. Biro mo nagpapabili ng ponds at ibang pang kakikayan dahil di daw hiyang sa kanya yung ginagamit nila ate Nelsie na Safeguard at St. Yves body Scrub. Tapos, mahilig pa umeksena at sumali sa usapan. Pero ang nakakatuwa sa kanya, mahilig magkwento ng love story niya. Nakak-aliw kasi kilala namin kung sinu-sino yung tinutukoy niya kasi nga kababayan namin siya. Di pala namin aakalain na si ganita at si ganyan nagkagusto sa kanya (at nagnanasa sa kanya). pero siguro, hindi nakakatuwa siya kaya nadeport siya at kumuha ng bagong import.
Pero, malas ko lang, two kilometers away ako sa pinakamalapit na internet cafe, so magiging less frequent ang aking pag-iinternet (at pagbloblog).
Peaceful and feels like home. Perfect for soul searching.
Oh by the way, i forgot, buti na lang dala ko yung libro kung "Classics of Wstern Philosophy" - a heavy, three-inch thick book, which i bought for, guess what, 150 pesos sa Diplomat Bookstore sa may SM Bicutan. I bought it on impulse kasi sobrang bargain. I think the original price of the book ranges from 1200-1700 pesos. Yun yung binabasa ko as of this moment. I'm starting with Plato and other greek philosophers. Natatawa ako kasi they have a different notion of virtue those days. at iba rin ang world view nila. Baka next time na lang ako magbibigay ng reactions tungkol sa kanila.
Man, Britney was hot in that MTV special. That was something, really special. Britney, please, give me a call when you are here in the Philipines. Please?
apokalips was very bored at exactly 05:25 pm
|
|
|