|
punyemas naman kasi eh. malamang ito na yung sinasabi nilang writer's block. yung panahon na walang kang maisip, walang kang maisulat, wala kang matinong maisulat. sa panahon ng tagtuyo, sa pagitan ng mga araw na wala akong maisulat, nagmumuni muni ako kung may katuturan ba itong ginagawa kong pagsusulat sa isang blog. kasi parang iniisip ko siya bilang isang pabigat sa isipan, sa oras (at sa pera dahil sa internet). hindi na siya nakakatuwa tulad ng dati. hindi na siya kasing-saya, kasing exhilirating, kasing mapagpalaya. nawala na yung dating kinang niya. di na ako naakit na parang gamu-gamu sa ilaw. ako ngayo'y nalulunod sa aking mga salita. punyemas naman kasi. bakit naman kasi ako ay nalalasing sa aking mga salita. nabibilanggo sa sariling ivory tower. nakakahon sa sariling pananaw at paninindigan. kipkip ko ngayon ang galit sa sarili. punyemas naman kasi. kasalanan ko din kung bakit wala akong maisulat. dahil nagpakalango ako sa sariling kung kabaliwan. kaya ngayon, bumabangon ako sa matinding hangover. kakagising sa isang umagang puno ng pag-asa at pag-aalsa. dahil hindi madali maging isang manunulat. dahil ito ay isang passion na dapat hindi kinakalimutan at hindi tinatalikuran. |