|
hindi lang dahil hindi na kami madalas na nagkikita kita (at naguusap), hindi lang dahil di kami nagtetext sa isa't isa, hindi lang dahil "weird" na daw ang aking pananaw sa mundo, kundi dahil malaki na ang pinagbago ko. Hindi na daw ako ang taong dati niyang kilala. Para akong binagsakan ng isang meteor galing sa kalangitan. Sumabog sa aking harapan. At sa unang salpak ng kidlat, ang aking sentiments of virtue ang unang natinag at bumagsak. Napahinto ako. Napatitig sa kanyang mata. At napaisip ng malalim. The seconds seemed to stretched into eternity. Biglang bumagal ang oras. Naka-slow motion. NAG-ISIP ISIP AKO NG MALUPIT. Oo nga... nagbago na ako. Malaki na ang pinagbago ko. Hindi na ako yung dating masiyahin, yung dating makulit at malakas mang trip at mang asar, yung dating nagpapasaya ng araw ng iba, yung nagbibigay liwanag, yung nagpapaligaya sa ibang tao. Oo nga. Malaki ang aking pinagbago ko. Naging maangas na walang katuturan. Maangas, na minsan, wala sa lugar. Laging nasa isang sulok, nag-iisa, nagmumuni-muni, nag-iisip, nagsasarili. Nakakulong sa sarili kong paniniwala at pananaw sa mundo. Nakakulong sa sariling mundo. Now, my face is devoid of life, like a spectre waiting to die. My humanity slowly slipping away to madness and obscurity. My mind is transversing into the dark recesses of my self, into the regions of unknown, into uncharted islands of logic, reason and philosophy - digging the past, comprehending the present and imagining the future. But the deeper i dig, the horrible i see; the longer i travel, the worse I encounter. Oo nga. malaki na ang binago ko. Detached na ako sa reality. Sobrang nalulunod sa sariling pagtanaw sa mundo. Hanggang sa prinoproblema ko na ang metaphysics, quinestion ang religion (at nagtangkang tibagin hanggang sa mapulbos ito), convinced of the folly of mankind. Tinangka kong buhatin ang mundo sa aking balikat. Pero, mukhang nabibigatan ako. Hindi ko na kayang magpa-intellectual. Hindi ko na kayang problemahin ang lahat. Sabi ni *bleep*, di na daw niya ako kilala. Tama siya. Di na niya ako kilala dahil nagbago na ako. Maski ako, di ko na rin kilala ang aking sarili. At dahil dito, unti unting nagsisink-in ang lahat. Kung bakit para akong isang tupang nawawala, para akong isang loose cannon. Only time well tell whether I will find the light or not. Natanto ko na the world has so much love and moral depth, na walang dahilan upong lokohin lang natin ang ating mga sarili sa mga walang kabuluhan. Mas mabuti, dahil sa ating pagiging mahina at vulnerable, na tumitig at tumingin kay Kamatayan and magpasalamat araw-araw sa mga magagandang oppurtunites provided by life. Kaya para kay *bleep*, salamat sa iyo at ako'y sinagip mo sa karagatan ng kawalan. Salamat at sinalba mo ako sa pagkalunod sa sarili kong paniniwala. Salamat at nandoon ka pa rin para tumulong sa akin. *bleep*, kung binabasa mo man ito: salamat. Utang ko sa iyo ang lahat. |
| fallen_angel July 25, 2004 02:05 AM PDT alam mo, nararamdaman ko rin 'yan. dumating ako sa time na, kahit ang mga sarili kong pinaniniwalaan ay kinukuwestiyon ng sarili ko. mahirap talaga, malabo. tapos may guilty feeling pa, dahil nga sa tingin mo, tingin nang-iba ay nagbago ka na. pero dapat wala naman tayong ikatakot. walang manghuhusga, walang dapat patunayan kanino man. lahat tayo ay iisa. lahat tayo ay hindi kailangang maging kung sino man kung hindi ang ating mga sarili na rin. lahat tayo, patuloy lang sa pagharap sa tila hindi darating na bukas. | ||
| carlo1co July 13, 2004 10:13 PM PDT Matagal na akong hindi nakakabasa ng blog ng ibang tao... Una kong inopen yung blog mo... Surprice na naman ako sa nabasa ko... hehehe... Talagang ang galing mong mag point out ng reality ng buhay... hehehe... | ||
| nesakutse July 12, 2004 09:55 AM PDT normal lang yan.. ganyan talaga.. (shet, eto na naman yung 'ganyan-talaga-ang-buhay-syndrome') dba nga kahit anong gawin mo lahat ng bagay dumadaan sa pagbabago. there is no permanent thing but change.. ok lang yan | ||
| Leave a Comment: |