|
Hindi ako galit dahil orgasmic ang pagkagalit. Ito lagi ang reklamo sa akin ng aking mga kaibigan. Laging grim-and-determined daw ako. Laging agit sa mundo. Kulang na lang daw patayin ko ang lahat ng tao para mawalan na ako ng rason para mag-angas. Bakit ba? Di naman kasalanan ang pagiging agit di ba? Pero bago niyo akong i-dispose na parang basura kasi “I’m just some no-good punk, just one of those run-of-the-mill angry writers who have nothing to do with their goddamned forsakened lives but to write angry poems and angrier articles, may their souls burn in hell” at bago kayong tuluyang huminto sa pagbabasa, magpapaliwanag lang muna ako. Ang bukal ng aking pagka-agit ay hindi dahil bad trip ako kasi mabaho ang katabi ko o di kaya, kasi nauna kong linagay ang conditioner kaysa sa shampoo. Hindi mababaw ang ugat ng aking pagkabagot. Hindi ako mala-Jessica Zafra na puro “existential angsts and gen-x rants.” Kung tutuusin napakaburgis ni Jessica Zafra. Pero minsan, kapag nakahigop ng mainit na sabaw, nagtatangka siyang maging socially relevant. Samakatuwid, di ako puro bourgeoisie shit at angst. Kasi malalim ang inuugatan ng aking angas. Dahil hindi ako isang intrumento sa pagapapalawig ng status quo sa ating kamalayan. Dahil marunong akong bumangga, at kaya kong yurakin ang lumalaganap na status quo. Tanong lang bago ako magpatuloy. Hindi ba kayo nagagalit na lagi na lang tumataas ang presyo ng langis? O di kaya (kasi baka wala kayong kotse), tumataas na ang presyo sa palengke’t pamilihan ngunit di pa rin tumataas ang inyong sweldo? Sige, ilapit pa natin sa “home front” para makarelate ang lahat, di ba kayo agit na ang minsang nagkakasyang budget sa isang buwan ay umaabot na lang ng dalawang lingo? Maraming pwedeng maging bukal ng aking/ating pagka-grim-and-determined. Endless and infinite, ikanga. Kaya sa aking “other life,” bilang isang student journalist kuno, gusto kong ipamalas na dapat tayong lahat magalit, hindi dahil nahuhuli tayo sa fashion, hindi dahil di tayo nakapunta sa “must-event-slash-party-of-the-year,” hindi dahil di mo gusto ang regalo ng iyong gf/bf/fb/asawa. Kundi, tayo’y magalit sa mga samu’t saring nangyayari sa ating lipunan. Hindi ba kayo naaasar kung bakit marami pa rin ang mahihirap, marami pa rin ang inaalipusta sa lipunan. Kung bakit wala pa ring tunay na agrarian land reform (na syang isa sa mga dahilan kung bakit lugmok tayo sa kahirapan). Kung bakit kahit na binabayaran naman natin ang utang panlabas ay lumulobo pa rin ito. Kung bakit laging nasasanay ang gobyerno na umutang sa labas para pantapal sa budget deficit. Kung bakit may opresyon pa rin sa ating lipunan, bakit bumabagsak ang halaga ng piso. Kung bakit laganap at talamak ang kuropsyon sa ating gobyerno. Kung bakit walang tunay na repormang panlipunan at walang “social justice,” bakit kasing kupad ni Kuya Ceasar ang ating justice system. Kung bakit tuta pa rin tayo ng kano. Batid kong magising kayo sa tunay na American Dream at (ang nakakayamot na) Philippine Nightmare. Galit ako kasi may nakagagalit. So you see, my angst sprung from many springs. Matanong naman kita. Di ka ba galit sa mga nangyayari sa paligid mo? Bulag ka ba? Manhid? Bakit pasibo ka sa mga isyung bumabalag sa ating lipunan? Tulad ko, dapat ikaw ri’y magalit dahil di na natin kaya ang kabulastugang nangyayari sa ating bansa. At para di masayang, dapat itranslate natin ang ating angas into constructive form. Sa isang porma na pwedeng magcontribute sa pagunlad ng ating bansa, socially, economically, politically. Gaya ko, sa pagsusulat ko dinadaan. Kaya itong angas/galit ang nagsisilbing hangin/pagkain/gasolina sa aking pagsusulat. At ang aking tinta/talino/lakas/akda ay alay sa mga mahihina, sa mga naghihirap (na tumitirik na ang mata dahil sa kawalan), sa mga walang kalaban-laban sa malalakas na pwersa, sa mga nawalan ng boses. Ako ang magsisilbing liwanag sa haplit ng kadiliman. Isang kandila sa gabing puno ng tunggali, digma, poot, salimuot at walang-katiyakan. Dahil batid kong magkaroon ng tunay at wagas na pagbabago. Kaya hali na’t magalit sa mundo. At bago ko pa makaligtaan, ‘tangnang pagibig ‘yan. ############ Sensya na, agit lang talaga ako. |
| nahuhulog_subalit_kumakapit October 31, 2005 09:55 AM PST tama n plsss...hulog n hulog nko sau..bkt d ko nabanaagan ang ganitong mentalidad at mga pananaw mo nung minsang magkasama tau s klase? sayang... gayunpaman, pinahahanga moko! | ||
| ellaine September 27, 2005 10:35 AM PDT kanya kanyang opinyon lang yan!!! | ||
| c-an September 28, 2004 06:13 PM PDT eyyy.. HALINA'T (isang salita lang.) wahehehe ang OC ko no? :P wala namang masama kapag nagalit ang tao, wag lang niyang kakalimutan kung pano magmahal.. o my gaaas! sa'kin ba nanggaling yun? :D | ||
| c-an September 28, 2004 06:09 PM PDT huy... HALINA'T (isang salita lang) :D waheheha ng OC ko no? tama lang magalit, wag lang makalimot magmahal. o my gaaaas! sa'kin ba nanggaling yun? :D | ||
| abel September 23, 2004 12:28 AM PDT galit ako kasi galit ka, heheh | ||
| Jet September 21, 2004 12:21 PM PDT ^_^ Di ako nagagalit... nalulungkot ako. | ||
| wilf September 14, 2004 06:43 PM PDT yeah! tanginang pag-ibig yan! (wala lang namimiss ko lang yung angst feeling :P ) | ||
| Leave a Comment: |